Sadyang nakakamanghang ang mga piramide sa Egipto kapag pinagmasdan. Isang arkitekturang kahanga-hanga na ipinagmamaki ng bansa. Subalit, ang misteryo tungkol dito ay nabuksan na sa nakalipas na libong taon. Hindi kumbinsido ang mga kontemporaryong archeologist, na ngayon ay naniniwala sa tala at mga aklat ni Zecharia Sitchin . Maging ang manunulat na si William Henry na siyang nagsulat ng aklat na Egypt, 'The Greatest Show on Earth' ay ipinahayag na hindi gawa ng tao ang mga naturang pyramids. Aniya, ito ay ginawa ng kakaibang mga nilalang na tinatawag nga na mga alien--- na sinabi niya sa isang conference nang dumalaw siya sa Egypt noong Enero 17, 2010 Egypt Tour. Kung pagbabatayan umano ang kasaysayan. Ang tatsulok na arkitektura’y nilikha o ginawa noong panahon ng lumang bato. Kung lilimiin at iisipin batay sa siyensiya, nangangahulugang gawa iyon ng mga apeman. Aniya, papaanong magagawa iyon ng mga gayung tao sa gayung sibilisasyon gayung ang gamit nila
Bilang pagbibigay ng break sa mga musikero’t indie artists, isang proyekto ang inilunsad ng Guitarista Productions ni Margot Cabernet. Ito ay ang ‘Push Mo Yan Unplugged, Bazaar For A Cause!: ‘Kalsada Sessions’ o street jam sa Capiz St.,katabi ng barangay hall ng Sto. Cristo,Quezon City. Sina Jay-jay Chua, Ron Calleja, Raven Biason ng Zionchillers at Rex Merca habang nagsa-sound tsek sa ' Kalsada Sessions". Bilang unang bahagi ng nasabing produksyon, tumugtog sa Saturday session ang mga indie artists na sina Rex Merca, Ron Calleja, Jay-jay Chua at sina Raven at Julius Caesar Gajasan ng Zionchillers. Sila ay sumalang noong Sabado, Nobyembre 23, 2019. Sinundad naman ito ng Jaojao and Friends at Alice Ismael kahapon, November 24. Si Guitarista Productions head Margot Cabernet kasama ang mga makukulit at kalog na sessionistas. Ang Kalsada Sessions ay bahagi lamang ng entertainment sa bazaar sa proyekto ng barangay na 1 st Grand Christmas Bazaar