Mula sa nakakadismayang pagkatalo noong Sabado
sa New York Knicks, 106-102 sa mismong home court nila, nakabawi ang Dallas
Mavericks (6-3) sa isang nakaw na panalo sa Memphis Grizzlies (2-7), 138-122
mula sa 16-6 run sa Fedex Forum. Nanguna sa panalo ng Mavericks ang 20-anyos
sophomore star Luka Doncic sa pagkamada ng 24 puntos, 14 rebounds, 8 assists at
2 steals. Nag-ambag naman ang mga kakampi niyang sina Tim Hardaway Jr. ng 20
points. Samantala, nanguna naman para sa Memphis si Jaren Jackson Jr. na may 23
puntos.
Sa first quarter ay nangangapa pa ang Dallas sa
laro at nakalalamang pa ang Memphis. Subalit, pagsapit ng second quarter, doon
na nakasabay ang Mavericks at lumamang pa sa Grizzlies. Mula third hanggang
fourth quarter, iniwanan na ng tropa ni coach Rick Carlisle ang Memphis at di
pinababa ang lamang sa 14 points.
Sa iba pang laro, bagama’t nagwagi sa San
Antonio Spurs, 135-115, hindi naman maganda ang nangyari kay Boston Celtics
forward Gordon Hayward. Nagtamo kasi ng injury si Hayward sa kamay matapos
collision kay Spurs big man LaMarcus Aldridge sa unang half ng laban. Bumida sa
panalo ng Celtics si Jaylen Brown na kumamada ng 30 puntos at si kemba Walker
ng 26.
Kaugnay dito, isinalang sa X-ray si Hayward at
napag-alaman na may tama ang kanyang kamay. Kung kaya, pinayuhan siya na
makabubuting huwag na munang maglaro. Inihayag naman ng pamunuan ng Celtics na
hindi muna masisilayan sa court si Hayward sa loob ng 30 araw at maaaring
sumailalim din sa surgery.
Samantala,
narito pa ang ibang resulta ng laro sa buong NBA, Nobyembre 10, 2019
Houston
Rockets ( 6-3) 117-
Chicago Bulls 94 (2-7)
(James Harden 42 pts, 10 rebs, 9 assists)
Oklahoma
City Thunder 114
(4-5 )- Golden State Warriors 108 (2-8)
(Chris Paul 16 pts, 5 rebs, 9 ast)
Boston
Celtics 135 (7-1),- San
Antonio Spurs 115 ( 5-4)
( Jaylen Brown 30 pts, 7 rebs)
New
Orleans Pelicans 115 (2-7)- Charlotte
Hornets 110 (4-5)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento