Ang
planetang Saturn ay siyang planeta sa ating sistemang solar na may singsing sa
palibot nito. Kaya naman, ipinagtataka noon ng mga nagdaang astronomo kung
bakit ito lamang ang planeta na may singsing sa palibot. At ang matindi, ito ay
parang mga string ng gitara na nahilira sa isang mas malaking ring. Ngunit,
nitong mga nagdaang dekada, natuklasan na rin sa planetang Jupiter, Uranus, at Neptune na may singsing din. Pero, mas angta ang ganda ng
Saturn kumpara rito.
Noong 1610, pagkatapos na ma-diskubre ni Galileo Galilei ang planetang Jupiter
gamit ang sariling imbentong teleskopyo, pagpihit niya nito sa bandang tinugan
ay natuklasan niya ang pambihirang planeta. Namangha si Galileo. Aniya, walang
kagayang planeta sa taglay na kagandahan ng Saturn dahil sa singsing nito. Sa
pag-unlad pa ng ika-17 siglo sa larangan ng optics, mas lalong naging detalyado
pa ang hitsura ng naturang planeta kapag tiningnan sa teleskopyo.
Ninais ni
Galileo na sabihin sa bawat tao ang kanyang natuklasan. Pero, nais niyang
manatiling sikreto ang kanyang pananaliksik tungkol sa misteryo ng naturang
planeta. Naglathala siya ng isang libro tungkol dito na may pamagat na “I have observe the highest planet tri-form”.
Ito ay mula sa unscramble anagrams na “Smais
mr milmep oet ale umibunen ugttauir as” na isang wikang Italian na isinalin
sa wikang English.
Sa ngayon,
nanatiling palaisipan ang misteryo at origin ng singsing ng naturang planeta.
Ito ay paniniwala ni Jeff Cuzzi na
isang planetary scientist sa NASA Ames
Research Center. Hinuha noon ng mga astromomers na ang singsing ng Saturn
ay nabuo noong 4.8 bilyong taon na ang nakakaraan kabilang ang araw at ilang
planeta na nagsama-sama sa isang rehiyon na tinatawag nga nagyon na solar
system. Kalaunan, inihayag ni Cuzzi na ang misteryo sa Saturns Ring ay imposibleng malutas.
Pero, ang mga pagbabagong nagaganap sa singsing ng naturang planeta ay
may kinalaman sa panahon sa ating daigdig. Ito ay kapag ang Saturn ay uminog na
katumbas ng isang buwan o dalawa na katumbas ng ilang taon sa earth. May
kinalaman din ang pagbabago sa ating planeta kapag ang buwan nito na Titan at
luminya sa alignment ng ring.
Sa aklat na isinulat ni Galileo noong 1611, habang ginagawa naman ang librong “Letters To Sunspots”( tungkol sa teorya na ang mundo ang umiikot sa araw at hindi ang araw ang umiikot sa mundo), inihayag niya doon na ang balangkas sa singsing ng planeta ay may gamit kung bakit iyon nandoroon. Sa akalat naman ni Zecharia Sitchin na “The Lost Realms” inihayag doon na ang singsing ay siyang lapagan ng mga sinaunang nilalang na may 1 milyong taon na ang nakakaraan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento