Ang yoga ay isang kalinangang
pangkalusugan na pupuwedeng gawin ninuman sa pamamagitan ng meditasyon. Ang
yoga ay isang disiplinang nalinang na noon pang mga unang panahon o mahigit
5,000 taon na ang nakararaan. Ayon sa pag-aaral, ang yoga ay nakakapagpa-relaks
at nakagagaling ng mga karamdaman. Batay sa pagsusuri ng American Academy of
Orthopaedic Surgeons, ang yoga ay ay nagiging mabisang lunas kaakibat ng gamot
sa pananakit ng leeg, balikat, likod, paa, binti, tuhod at ulo.
Napagagaling din o nagbibigay ng
ginhawa sa mga mayroong sakit sa buto ostoeporosis, high at low blood
pressure, problema sa pandinig, at pagdadalang- tao. Bukod sa nakakapagbigay
ito ng ginhawa sa katawan ay nakakapgbigay din ito ng ginhawa sa ating isipan.
Simple lamang gawin ang yoga.
Una, para gawin ito ay magtungo sa
malinis, maaliwalas at tahimik na silido lugar. Umupo sa puwestong magkasugpong
o magka-krus ang mga paa. Puwede ring nakaluhod. Pumikit. Pagkatapos ay ilayag
ang isipan sa mga bagay na positibo o mga bagay na nais mong mangyari. Gawin
ito sa paraang nais mo o walang nililimitahang oras. Kumpurmi sa iyo kung gusto
mong gawin ito sa loob ng 20, 30, 45 minuto o kahit isang oras pa. Pagkatapos
mong mag-yoga ay mararamdaman mo ang mga sumusunod:
- Gumagaan ang pakiramdam ng katawan. Nawala ang hinanakit o sama ng
loob
- Kung may iniindang karamdaman gaya ng pananakit ng likod ay
mapapansing bahagya itong nawala
- Nagiging positibo ang pananaw sa buhay
- Nagiging masaya at kapag may gawain ay subsob ka sa konsentrasyon
- Hindi agad nagagalit o napipikon
- Nagiging maliksi,malakas at alerto ang katawan at isipan
- Nagpapaganda ng katawan at postura dahil sa minamasahe ng
pagyoyoga ang mga organs sa ating katawan.
ANG SAMADHI
MEDITATION
Ang meditasyong Samadhi Yoga ay
maituturing na isang uri ng yoga na malaon nang ginagawa ng mga Hindu, Sikh at
mga Buddhist. Karaniwang ginagawa ito ng mga manlalakbay, mandirigma, at mga
pilosopo bilang pagpapataas ng antas ng karunungan, kalinangan, at kalakasan ng
katawan. Ang supresang dulot ng naturang meditasyon ay nagpapalakas ito ng
pisikal at mental. Ang mga pamosong tao na gumagawa ng naturang meditasyon na
ito ay si Gautama Buddha, ang sikat na kungfu actor na si Bruce Lee at ang
ika-14 Dalai Lama sa Tibet na si Tenzin Gyatso.
Sinasabing kapag ginawa mo ang naturang
meditasyon ay maaari mong kunin ang puwersa ng kalikasan ( Aurapower) sa
paligid gaya ng mga puno, bundok, dagat, gubat, halaman, at maging ng puno na
nagdudulot ng kakaibang lakas sa katawan at isipan. Papaano ito gagawin at
matatamo? Simple lang. Tulad din ng sa yoga. Ngunit, sa iyong pagpikit at m,ay
makitang kang tila molecules o parang bula na pumapasok sa iyong mukha’t
katawan, maaari mong gamitin ang Samadhi.
Sa ganitong proseso, isa-isahing kunin
ang aura at lakas mula sa kalikasan sa pamamagitan ng iyong isipan. Halimbawang
iniisip mong kunin ang aura ng punongkahoy papasok sa iyong katawan. Mangyayari
ito kapag pumapasok na ang molecules o tila bula sa iyong katawan kapag ika’y
nakapikit. Pagkatapos ng puno ay puwedeng ang aura naman ng ilog. Maaari mong
gawin ito batay sa iyong nais at pagkakasunod-sunod. Halimbawa, mga puno
muna na gagawin sa loob ng 5 minuto, halaman( 5 minuto), dagat, bundok, lawa,
at hayop gaya ng leon at iba pa.
Ang mabuting dulot ng naturang
meditasyon ay nakakarelaks ng katawan at isipan, nakakapagpapabanal (dahil
habang nasa gayung proseso ka ay hindi mo maiisipang gumawa ng masama), napananariwa
ang mga internal organs, pampahaba ng buhay, nakakatulong upang lunasan ang
seryosong karamdaman, nagpapataas ng kamalayang espirituwal, at nagbibigay nng
magandang hugis sa katawan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento