Isla Mujeres, Mexico-Karaniwang lupa ang kayarian ng isang isla. Subalit, kapag ang isang
isla ay gawa sa ibang kayarian, halimbawa ng artipisyal na gawa sa boteng
plastic, ito ay masasabing kakatwa. Si Eco- pioneer Richard “Rishi” Sowa ay
nag-disenyo ay gumawa ng isang uri ng naturang isla na lumulutang. Ito ay gawa
sa 100,000 plastic bottles ng softdrinks at mineral water. Tinatawag ito ngayon
na Spiral Island II. May nauna kasing ginawa na artipisyal na isla ang kelot
kung kaya pangalawa na ang naturang isla na kanyang ginawa.
Ginawa niya ang unang spiral island noong taong 1988 malapit na Puerto
Aventuras na gamit ang 250,000 libong plastic bottles upang manatili itong
nakalutang. Sa kasawiang palad, ang Spiral Island I ay nasira noong taong 2005
nang salantahin ito ng hurricane Emily na dumaan sa naturang area. Kung kaya
nagpasya uli si Sowa na gumawa ng panibago nito nang makitang nagkalat sa
dalampasigan ang mga plastic na botelya na nakalutang.
Inilagay niya ang bagong spiral island 2 sa mas ligtas na lugar. Sa
paggawa nito ay tinulungan siya ng mga volunteers na mangalap ng 100,000 libong
mga plastic bottles bilang materyales. Nang ganap nang magawa at natapos,
inilagay niya ito sa isang lagoon na ligtas umano sa masamang panahon kaysa
ilagay sa tabing dagat.
Ang isla ay mayroong bahay, may beaches, 2 ponds, at isang solar powered
waterfalls. Ayon kay Sowa, ang naturang isla ay isa umanong eco-work na patuloy
pa niyang papaunlarin. Bagamat mas maliit ito kumpara sa naunang ginawang
spiral island, balak pang dagdagKInakailngan aniyang gawin iyon upang mag-enjoy
ang mga taong magtutungo at mamasyal sa kanyang ginawang isla.
Itinuturing naman na isang impresibong proyekto ang ginawa ng kelot. Kung
kaya nakatawag pansin ito sa mga awtoridad na tulungan siyang paunlarin ang
naturang artipisyal na isla. Isa pa, recycled ang ginamit na materyales dito na
talaga namang eco-friendly.Kaya lang, nangangamba pa rin ang ilan na baka
sirain lang uli ng hurricane ang isla. Kung kaya nagdagdag sila ng ibang
pundasyon at materyales dito gaya ng buhangin at mangrove plants.
Ang naturang isla ay lalong tumibay at hindi basta
nagagalaw ng malalakas na hangin.Naka-angkla ito sa apat na sulok. May mga
tanim ding mga halaman sa palibot nito gaya ng niyog, puno ng saging, at mga
halamang baging gaya ng kalabasa at ampalaya. Ang Spiral Island ay matatagpuan
sa Isla Mujeres malapit sa kapitolyo ng Mexico City.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento