Kayo ba ay mahilig mag-alaga ng mga de-kalibreng lahi aso? Halimbawa ng pit bull saka Labrador. Tapos mahilig magparami at inaalagaan lang.
Sa halip na ipamigay sa kaibigan ang tuta ng babaeng Labrador, bakit di ibenta ito sa mga kakilala o nagnanais mag-alaga ng aso? Puwesto, kikita ka rito, kabayan.
Kung interesado ka sa business na ‘to, alamin muna ang mga tuntunin at batas dahil may prosesong sinusunod dito gaya ng permiso. Kung walang permits at licensing or zoning requirements sa dog breeding, puwede mo nang simulan. Kung meron naman, kumuha ng permit. Sa ibang bansa kasi, halimbawang sa USA, may mga alituntuning sinusunod tungkol dito.
Kung mayroon kang alagang lalaking Labrador o Pitbull na kulay Brown tapos gustong magpalahi ng isang kakilala, okey na okey yan dahil tiyak na magbabayad siya sa iyo magkaroon lamang ng magandang breed ng aso.
Kinakailangan sa isang Dog Breeder na komportable, malinis, at maaliwalas ang paligid ( Kulungan) ng kanyang mga alaga o para sa breeding procedure. Masustansiya at sapat na pagkain, at tulugan gaya ng carpet.
Para siguradong matagumpay ang dog breeding, pumili ng mga breed ng aso na madaling alagaan at patok sa parokyano. Ganito ang ginagawa ng kapitbahay namin na si Kuya Arnel Desaliza na may alagang female Labrador at Pitbull.
Mga Lahi ng Asong puwedeng pagkakitaan sa Dog Breeding
Black at Chocolate -Labrador, German Shepherd, Pit Bull, Dalmatian, Dobberman, Chihuahua, Beagle, Poodle, Greyhound, at Golden Retriever. Ang mga naturang breed ng aso ay inaalagaan na rin sa ating bansa.
Sa bawat serbisyo ng dog breeding ay minimum na yung P2,000 ang bayad. Kung doble-kartada sa pa-bogie o palahian, P4,000 na ang bayad sa iyo ng kumontrata sa aso mo.
Halimbawang may-alaga kang Labrador at nanganak ng 6 at balak mong ibenta ang tuta, papalo sa P2,000- P6,000 ang presyo nito. Kailangang nasa 35 days old na ito bago bilhin at kunin ng bumili. Dapat malusog, masigla, at walang sakit ang tuta.
Dapat ding alamin ng nag-aalaga at nagbebenta ng mga Dog Breeders kung responsable o may kakayahang alagaan ng bumili ang isang tuta. At higit sa lahat ay hindi ito nananakit ng hayop.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento