Lumaktaw sa pangunahing content

PREDIKSYON NG MGA SPORTS ANALYST SA 2019- 2020 NBA SEASON

Ngayong araw na ang pagsisimula ng bagong NBA season. Kaya naman, kanya-kanyang opinson ang mga excited na mga fans kung ano ang magiging prediksyon nila sa takbo ng season at kung sinong mga koponan ang makapapasok sa 2020 NBA playoffs. Kahit na ang mga NBA players, mapanoon man at ngayon ay nagpahayag din kung anu-anong tram ang makapapasok. Nagpahayag ang ilang sports analyst at mga koentarista ng Sports Complex tungkol dito na sina Adam Caparell, Chops, Zion at Angel Diaz.

Sa pinagsama-samang prediksyon nila, narito ang mga team na papalarin sa playoffs. Sa Eastern Conference, swak ang Milwaukee Bucks,Philadelphia 76er’s, Brooklyn Nets, Miami Heat, Toronto Raptors, Indiana Pacers, Boston Celtics at Detroit Pistons.

Sa Western Conference naman, papasok anila ang Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, Houston Rockets, Golden State Warriors, Dallas Mavericks, San Antonio Spurs at Utah Jazz.

Rookie of the Year –
Chopz: Darius Garland 
Adam Caparell: Ja Morant 
Zion: Ja Morant 
Angel Diaz: Tyler Herro

MVP - 
Chopz: LeBron James 
Adam Caparell: Joel Embiid
Zion: James Harden 
Angel Diaz: LeBron James

NBA Finals - 
Chopz: Philadelphai 76ers vs. Los Angeles Clippers 
Adam Caparell: Philadelphia 76ers vs. Los Angeles Clippers 
Zion: Philadelphia 76ers vs. Los Angeles Lakers 
Angel Diaz: Philadelphia 76ers vs. Los Angeles Lakers

NBA Champions - 
Chopz: Los Angeles Clippers 
Adam Caparell: Los Angeles Clippers 
Zion: Los Angeles Lakers 
Angel Diaz: Los Angeles Lakers

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TATLONG BALANG NA MAY MUKHA NG TAO!

Atin illahad pa ang ilan sa mga propesiya na nakasaad sa ‘Prophecy Code’ na nakasaad din sa ‘The Book of Mysteries’ . Kapag iyong binasa ang ilan sa mga nakasulat sa propesiya ni Nostradamus, at ng nakasaad sa Biblia, may pagkakahawig.  Ang mga hula na nakasaad sa naturang aklat o kalipunan nito ay walang tiyak na pinatutungkulan o maligoy ang pinatutungkulan nito. Hindi rin sunod-sunod na natupad. Kaya lamang, kapansin-pansin ang na kapag nilimi mo ang mga kaganapan noon sa mga nakalipas na panahon lalo na noong ika-20 siglo, puwede mong iugnay  ito. Puwede kasing pagbatayan ang bawat tala na nakasulat sa mga pangyayari at aakalin mong natupad nga. Pero, ang mga tala na kinopya lamang sa Banal Na kasulatan ay walang sablay dahil nakatakda naman talagang mangyari. Narito ang ilan pa sa mga propesiya. -           “ Tatlong balang na may mukha ng tao ang magbibigay ng kaabahan sa tatlong yugto ng panahon. Sila ay makapang...

MGA LIHIM SA PLANETANG SATURN

Ang planetang Saturn ay siyang planeta sa ating sistemang solar na may singsing sa palibot nito. Kaya naman, ipinagtataka noon ng mga nagdaang astronomo kung bakit ito lamang ang planeta na may singsing sa palibot. At ang matindi, ito ay parang mga string ng gitara na nahilira sa isang mas malaking ring. Ngunit, nitong mga nagdaang dekada, natuklasan na rin sa planetang Jupiter, Uranus, at Neptune na may singsing din. Pero, mas angta ang ganda ng Saturn kumpara rito. Noong 1610 , pagkatapos na ma-diskubre ni Galileo Galilei ang planetang Jupiter gamit ang sariling imbentong teleskopyo, pagpihit niya nito sa bandang tinugan ay natuklasan niya ang pambihirang planeta. Namangha si Galileo. Aniya, walang kagayang planeta sa taglay na kagandahan ng Saturn dahil sa singsing nito. Sa pag-unlad pa ng ika-17 siglo sa larangan ng optics, mas lalong naging detalyado pa ang hitsura ng naturang planeta kapag tiningnan sa teleskopyo. Ninais ni Galileo na sabihin sa bawat tao ang kan...

MGA PUMALPAK NA DOOMSDAY PROPHECY

Noon pa man ay hinuhulaan na ng mga kinauukulan ang katapusan ng mundo. Sapol pa noong unang siglo ay hinulaan na ng ilan ang magaganap na katapusan ng daigdig. Pero, nangyari ba? Hindi. Pero, ito ay may kinalaman lamang sa pagbabagong nagaganap sa singsing ng planetang Saturn na nagdudulot ng masamang kaganapan sa earth. Ang mga awtoridad kasi na mga ito ay naghahayag ng propesihiya upang ituring silang magagaling. Ngayon, ating tatalakayin ang mga ilang propesihiya na pumalpak at mga pangyayari sa kasaysayan na inakala ng iba na siya na ngang katapusan ng daigdig. Nagkataon naman na ang pinagbabasehan nilang pagbabago sa kalawakan ay nagkaroon ng kaugnayan sa earth sa paraang negatibo. Sa loob ng pag-aaral sa mahigit 600 taon, ang teorya sa Saturn’s Ring kaugnay pa ng ilang kaganapan sa kalawakan ay naging batas na ng ilang manghuhula gaya ni Nostradamus.   Eruption ng Mount Vesuvius - Noong 79 AD, pumutok ang naturang bulkan. Inakala ng iba na ito na ang katapusa...