Lumaktaw sa pangunahing content

UP VARSITY TEAM, NAGSANAY SA NEW CLARK CITY AQUATICS CENTER


 Nagsagawa ng training kamakailan ang Varsity Swimming Team ng University of the Philippines sa New Clark City Aquatics Center, kung saan sinasang-ayunan ng mga miyembro nito na ang nasabing pasilidad ay talagang pang-world-class. 
Bilang pananaw sa posibilidad na magiging premier training ground ang New Clark City sports complex para sa mga pambansang atleta, nagsagawa kamakailan ng pagsasanay ang 50 miyembro ng University of the Philippines (UP) Varsity Swimming team sa bagong world-class Aquatics Center.

This pool is the first of its kind in the Philippines, and I think it will really help the development of [competitive] swimming in the country,” pahayag ni Hans Chua  na siyang  captain ng UP men’s swimming team.

Performance-wise, this kind of facility is an extra motivation, an extra push [to do] better. It simulates the competition type of environment,” pagmamalaki ni Nadine Tee Ten, co-captain ng women’s team.

Ang pool ng UP ay kasalukuyang nakasara dahil sa matagal na pagsasa-ayos na nakaapekto sa mahirap na pagsasanay ng team, lalo pa nga’t lalahok sila sa  University Athletic Association of the Philippines (UAAP) swimming championships.

Sinabi ni Yssa Pogiongko, captain ng women’s team, kung papaano ang ginagawang sakripisyo’y pagsasanay ng kanilang eskuwelahan upang makapagbigay ng karangalan sa komunidad. Ang UP ang tanging siyang state university na lalahok sa eight-member collegiate league.

Swimming is a sport that takes a lot of training and practice to become better so we really train everyday,” ani Pogiongko.

“As much as we can, we train twice a day. We put so much effort in every training session—whether early in the morning or late at night.”

Our athletes lack modern training facilities that they deserve that’s why we’re happy to host the UP varsity swimming team since New Clark City is built to be an inclusive city,” pahayag ni BCDA President and CEO Vince Dizon. 

Ang  Aquatics Center sa New Clark City ay mayroong  10-lane competition pool, eight-lane training pool at diving pool na may five-meter maximum depth.

 Ang pasilidad ay accredited Federation Internationale De Natation (FINA. Ang Aquatics Center  ay pagdadarausan ng swimming, diving, water polo at artistic swimming competitions sa 30th South East Asian Games.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

FIA RADIO, SANDALAN NG MGA INDIE ARTISTS

Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon  sa  mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig  sa  music ang kanta mula  sa  indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie.  Sa  katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog  sa  kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin. Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain  sa  mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins  sa  nabanggit d...

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)

Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang  Zionchillers , hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama  sa  kanilang EP  Album  na  “Silver Silver Fantasy” .  Pero, dahil  sa  pagpupunyari,  sa  wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album. Sa  ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019  sa  digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo  sa  achievement na kanilang natamo. “ Una, nagpapasalamat tayo  sa  Panginoong Diyos dahil  sa  tagumpay na ibinigay Niya  sa  amin.  Sa  lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanill...