Lumaktaw sa pangunahing content

HITLER, NANIRAHAN SA UNDERGROUND CITY SA NEW YORK?

 Ang Manhattan Project o MP ay isang sikretong subterranean city na nasa ilalim ng lupa--- na may 100 talampakan na nasa Central Park nito. Ginawa noon ang Manhattan Project para protektahan ang gobyerno kung ang Confedacy ay magsimulang manalo sa giyerang sibil sa Estados Unidos.


 Pagkatapos ng giyera, ang naturang proyekto umano ay inabandona hanggang ito ay bigyan uli ng pansin. Nilawakan ito ng 300 acres. Kaya naman, nagmistula itong siyudad sa kalaliman na lingid sa mga tao noon. Ang espesyal dito, lihim na naungkat dito na kung saan ay ito umano ang US government’s super-secret hiding place. Ang nakakagulat na katotohanan, dito naglagi sina Csar Nicholas, Adolf Hitler, ang Roswell aliens, at ang pinakabago ay si Howard Stern.

Ayon sa dokumentong nakalap ng National Geographic, shop history.com, at allvoices.com, isa pang layun sa pagkakagawa ng underground city sa Manhattan ay maging safety house ng tinatayang na sa 4,000 central Government personnel kung sakaling magkaroon ng nuclear strike. Sa ngayon, kakatwa umano itong kanlungan o haven place ng lahat ng US government UFO activities. At ang nakakagulat, naging tahanan ng Nazi leader na si Adolf Hitler hanggang sa siya’y pumanaw noong 1956. Iyon ang tunay na katotohanan.

Sa super-secret location na ito doon laging nagbabasa ng Biblia si Hitler. Laging nakabukas ang paborito niyang bersiyon ng Biblia sa desk. Gumawa rin siya ng isang sketch ng Roswell alien na kung saan ay makikita sa wall na nasa likuran ng kanyang desk. Ayon sa totoong dokumento kasi, hindi namatay sa Berlin sai Hitler sa huling bahagi ng kanyang pakikipaglaban.

Ang nasunog na katawan ni Hitler sa bunker  na ipinakita ay hindi siya. Kundi, si Gustav Weler na isa sa double ni Hitler. Ito ang nagpatibay upang suhayan ang umano’y pagpapakamatay ni Hitler sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili. Nang umugong ang balitang patay na si Hitler, sikretong tinawagan nito si President Franklin D. Roosevelt ng USA. Binigyan siya ng bargain ng presidente.

Sa lihim  umano ng  kasunduang ito, kailangang ibigay ni Hitler sa Estados Unidos ang lahat ng atom bomb ng Nazi German, rocket dokuments, at ang lokasyon ng sikretong lugar na pinagtataguan ng kanyang top scientist. At kung hindi, bibigyan siya ng US ng political asylum. Naayos ang deal at nagtungo si Hitler sa naturang bansa (US).

Siya ay pinatira o tumira nga sa sikretong siyudad na nasa kalaliman ng Manhattan. Kapag lumalabas siya sa pamamagitan ng pagbabalatkayo ay binibisita niya ang kanyang mga kamag-anak sa Long Island tuwing Thanksgiving, Pasko, at Easter Holidays kasa taon. 

Paborito niyang magtungo sa sa Little Hebrewland sa New York na nagsususot ng bilang Orthodox Jewish Rabbi.Namalagi siya roon sa sikretong underground city at doon ginugol ang kanyang buhay sa pagbabas at pagguhit. Doon ay payapa  umano siyang namuhay na lingid sa tao hanggang sa siya’y mamatay.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TATLONG BALANG NA MAY MUKHA NG TAO!

Atin illahad pa ang ilan sa mga propesiya na nakasaad sa ‘Prophecy Code’ na nakasaad din sa ‘The Book of Mysteries’ . Kapag iyong binasa ang ilan sa mga nakasulat sa propesiya ni Nostradamus, at ng nakasaad sa Biblia, may pagkakahawig.  Ang mga hula na nakasaad sa naturang aklat o kalipunan nito ay walang tiyak na pinatutungkulan o maligoy ang pinatutungkulan nito. Hindi rin sunod-sunod na natupad. Kaya lamang, kapansin-pansin ang na kapag nilimi mo ang mga kaganapan noon sa mga nakalipas na panahon lalo na noong ika-20 siglo, puwede mong iugnay  ito. Puwede kasing pagbatayan ang bawat tala na nakasulat sa mga pangyayari at aakalin mong natupad nga. Pero, ang mga tala na kinopya lamang sa Banal Na kasulatan ay walang sablay dahil nakatakda naman talagang mangyari. Narito ang ilan pa sa mga propesiya. -           “ Tatlong balang na may mukha ng tao ang magbibigay ng kaabahan sa tatlong yugto ng panahon. Sila ay makapang...

MGA LIHIM SA PLANETANG SATURN

Ang planetang Saturn ay siyang planeta sa ating sistemang solar na may singsing sa palibot nito. Kaya naman, ipinagtataka noon ng mga nagdaang astronomo kung bakit ito lamang ang planeta na may singsing sa palibot. At ang matindi, ito ay parang mga string ng gitara na nahilira sa isang mas malaking ring. Ngunit, nitong mga nagdaang dekada, natuklasan na rin sa planetang Jupiter, Uranus, at Neptune na may singsing din. Pero, mas angta ang ganda ng Saturn kumpara rito. Noong 1610 , pagkatapos na ma-diskubre ni Galileo Galilei ang planetang Jupiter gamit ang sariling imbentong teleskopyo, pagpihit niya nito sa bandang tinugan ay natuklasan niya ang pambihirang planeta. Namangha si Galileo. Aniya, walang kagayang planeta sa taglay na kagandahan ng Saturn dahil sa singsing nito. Sa pag-unlad pa ng ika-17 siglo sa larangan ng optics, mas lalong naging detalyado pa ang hitsura ng naturang planeta kapag tiningnan sa teleskopyo. Ninais ni Galileo na sabihin sa bawat tao ang kan...

MGA PUMALPAK NA DOOMSDAY PROPHECY

Noon pa man ay hinuhulaan na ng mga kinauukulan ang katapusan ng mundo. Sapol pa noong unang siglo ay hinulaan na ng ilan ang magaganap na katapusan ng daigdig. Pero, nangyari ba? Hindi. Pero, ito ay may kinalaman lamang sa pagbabagong nagaganap sa singsing ng planetang Saturn na nagdudulot ng masamang kaganapan sa earth. Ang mga awtoridad kasi na mga ito ay naghahayag ng propesihiya upang ituring silang magagaling. Ngayon, ating tatalakayin ang mga ilang propesihiya na pumalpak at mga pangyayari sa kasaysayan na inakala ng iba na siya na ngang katapusan ng daigdig. Nagkataon naman na ang pinagbabasehan nilang pagbabago sa kalawakan ay nagkaroon ng kaugnayan sa earth sa paraang negatibo. Sa loob ng pag-aaral sa mahigit 600 taon, ang teorya sa Saturn’s Ring kaugnay pa ng ilang kaganapan sa kalawakan ay naging batas na ng ilang manghuhula gaya ni Nostradamus.   Eruption ng Mount Vesuvius - Noong 79 AD, pumutok ang naturang bulkan. Inakala ng iba na ito na ang katapusa...