Ang balangkas o plano nang gagawing artificial mountain na inilatag ng architect firm na Hoffers and Krugger. |
Nag-ugat ito s aisang pahapyaw na biro ng dating atleta na si Thijs Zonneveld base sa kanyang pahayag sa isang Dutch daily paper na nararapat lamang na magtayo ng sariling bundok ang kanyang mga kababayan. Na mayroong alpine slopes, meadows, at villages na gagawin sa kapatagan ng Netherlands na ang pinakamataas na lebel ay nasa 323 metro above sea level.
Ang dating atleta na isa nang kolumnista ngayon sa naturang pahayagan, ay nakatanggap ng seryosong reaksiyon kaugnay sa kanyang naging pahayag lalong-lalo na sa mga eksperto. Ayon sa kanila, ang konsepto ng atleta ay may laman kung kaya malaking hamon ito upang isa-katuparan.
Ayon sa pahayag ni Zonneveld noon sa Reuters, saka lamang pala niyang napagtanto na ang kanyang ideya ay siya ring ideyang nais ding man gyari ng iba. At gayung naibulalas niya ito, saka lamang nagkaroon ng seryosong usapin tungkol dito. Ngayon ang ideyang iyon ay lumubo pa at parami na ng parami ang nakisawsaw at sumang-ayon na ituloy ang plano. Ang Dutch Ski Association, Dutch Climbing and Mountaineering Association, at ang Royal Dutch Cycling Union ay nagpahayag ng kanilang suporta.
Ang architech firm na Hoffers and Kruger ay naglabas na ng balngkas o modelo ng naturang planong paggawa ng artipisyal na bundok. Maging ang mga gagawa nito ay kinasa na. Ang naturang proyekto ay binansagang “Die Berg Komt Er” o The Mountain Comes ayon sa ulat ng Yahoo. Tinatayang mga 30 taon ang gugugulin para matapos ang proyekto na gugugol ng £40bn at £270bn ( bilyon). Kapag natapos na, ang monster green peak ay lalagyan ng swimming pools, mga sinehan, sport facilities, at sariling water supply.
Ayon kay Zonneveld, talagang seryoso ang kanyang mga kababayan upang isakatuparan ang proyekto. Ang ilan malalaking kompanya’y nagpahayag na ng kanilanng suportang pinansiyal. Nakikisali na rin ang mga ilang munisipalidad at mga investors.
Ang naturang proyektong paggawa ng artipisyal na bundok ay hindi na bagong proyektong nilatag na isasagawa. Noong taong 2009, isang German architect na si Jakob Tiggers ay nagnanais na magtayo ng 1,000 metrong taas na bundok sa hindi nang ginagamit na airport sa Berlin. Bilang patunay sa kanyang plano, nagpatambak na siya ng 60 metrong mound sa naturang lokasyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento