Nitong nakalipas na buwan, nagkaroon ng event ang Lila Blanca band sa isang malaking mall. Maraming banda at mang-aawit ang nabigyang daan upang itanghal ang kanilang mga piyesa. Kasama na rito ang duo act na ‘Escrezza’, na pinangungunahan ni Escreo Cruz (isang manunulat ng awit) at Si Ezza Eras (ang bokalista).
Sa maikling panahon ay nagsunod-sunod na ang kanilang mga gigs at pagganap sa indie scene. Noong nakaraang October 4, 2019, opisyal na nailabas ang kanilang awiting pinamagatang "Ever". Ang kanta ay tungkol sa isang babae na nakakulong lang sa kalungkutan, hanggang sa may nakapagpasaya sa kanya at naging masaya sila.
Ang tunog nito ay isinaayos ni Vonjamar Fetalino at Nolit Abanilla . Matapos ng kantang Ever, susundan ito ng kanta nilang "Kasalukuyan", (malapit na ding ilabas). Bigkis sa awiting ito bilang mga instrumentalist ang Bololato Brothers na sina Jojo, Tam-Tam at Bal. Abangan natin ang kanilang mga awitin, live performances at music videos.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento