Lumaktaw sa pangunahing content

LOS ANGELES CLIPPERS, PANALO SA CHARLOTTE HORNETS


Sinubukang pigilan at sa inirektang double team bilang depensa ni Charlotte Hornets center Bismack Biyombo (8) at guard Malik Monk (1) sa ginawang salaksak at pagtangkang makabuslo ni Los Angeles Clippers forward Kawhi Leonard (2)  sa tagpong ito sa first half ng kanilang laro sa Staples Center. [ Photo Credit: Jayne Kamin-Oncea-USA TODAY Sports]
Los Angeles, California--- Sa kanilang pagdayo sa Los Angeles, nabigo ang Charlotte Hornets sa Lakers, 120-101 noong Lunes. Sa kanilang pagharap naman sa Los Angeles  Clippers, muli na naman silang nakalasap ng pagkabigo sa iskor na 111-96. Bumida sa panalo ng Clippers si Kawhi Leonard na bumuslo ng 30 points, 7 rebounds at 6 assists at Lou Williams na kumamada ng 23 puntos, isang araw pagkatapos ipagdiwang ang kanyang ika-33 taong kaarawan.

Tumulong rin kina Leonard at Williams sina Montrezl Harrell na nagtala ng 19 puntos at  Landry Shamet ng 16. Bumawi ang tropa ni coach Doc Rivers mula sa pagkatalo sa Phoenix Suns, 130-122 sa huli nilang laro. Sa kanilang match-up sa Staples Center, 10 (mula sa 11 kabuuan) sunod na panalo na ang naitala ng Clippers sa Hornets sapol pa noong February 2009. Samantalang isang panalo lang ang naitala ng Charlotte.

Samantala, pinangunahan naman ni Terry Rozier ang Hornets sa paggawa ng 17 points katuwang sina Devonte Graham, 14 at 12 assists at  Cody Zeller, 14 at 13 assists. Ang Charlotte ay dumanas na ng 3 sunod na pagkatalo sapol nang magwagi sa Chicago Bulls sa season opening.
Samantala ito ang kabuuang NBA game results sa laro kahapon

Pacers - 94 Pistons - 96
Sabonis: 21 Pts. Brogdon: 11 Asts. Sabonis: 14 Rebs./Wood: 19 Pts. Frazier: 8 Asts. Drummond: 18 Rebs.
Bulls - 98 Knicks - 105
LaVine: 21 Pts. Satoransky: 5 Asts. Carter Jr.: 10 Rebs./Portis: 28 Pts. Barrett: 5 Asts. Barrett: 15 Rebs.
Magic - 95 Raptors - 104
Isaac: 24 Pts. Fultz: 5 Asts. Vucevic: 12 Rebs./Lowry: 26 Pts. Lowry: 6 Asts. Gasol: 10 Rebs.
Sixers - 105 Hawks - 103
Embiid: 36 Pts. Simmons: 6 Asts. Embiid: 13 Rebs./Young: 26 Pts. Young: 9 Asts. Hunter: 9 Rebs.
Cavaliers - 112 Bucks - 129
Sexton: 18 Pts. Thompson: 4 Asts. Love: 16 Rebs./Middleton: 21 Pts. Bledsoe: 8 Asts. Antetokounmpo: 10 Rebs.
Warriors - 134 Pelicans - 123
Curry: 26 Pts. Curry: 11 Asts. Green: 17 Rebs./Ingram: 27 Pts. Alexander-Walker: 9 Asts. Ingram: 10 Rebs.
Thunder - 112 Rockets - 116
Gilgeous-Alexander: 22 Pts. Schroder: 7 Asts. Adams: 12 Rebs./Harden: 40 Pts. Westbrook: 9 Asts. Westbrook: 12 Rebs.
Blazers - 110 Spurs - 113
Lillard: 28 Pts. Lillard: 7 Asts. Tolliver: 10 Rebs./DeRozan: 27 Pts. Murray: 8 Asts. Lyles: 8 Rebs.
Nuggets - 101 Kings - 94
Murray: 18 Pts. Murray: 3 Asts. Jokic: 13 Rebs./Holmes: 24 Pts. Fox: 9 Asts. Holmes: 13 Rebs.
Jazz - 97 Suns - 95
Bogdanovic: 29 Pts. Inges: 5 Asts. Gobert: 18 Rebs./Booker: 21 Pts. Rubio: 8 Asts. Rubio: 10 Rebs.
PAMILYA NI LEBRON JAMES, APEKTADO SA WILD FIRE SA WEST CALIFORNIA
Hindi nakaligtas si NBA at Los Angeles Lakers superstar LeBron James sa bagsik ng Southern California wildfire. Lalo pang lumawak ang sunog na umabot na sa 70 acres o halos 30 ektarya (300,000 square meters), kung kaya, hindi maiiwasan na kinakailangang lumikas ang kanyang pamilya kasunod ng pag-anunsiyo ng kinauukulan sa Mandeville Canyon at Mountain Gate ng mandatory evacuation. Pinalawak pa ang warning at mandatory evacuation sa Brentwood at sa parteng westward kabilang ang Topanga State Park at Pacific Palisades.
Naghahanap din sila ng malilipatan dahil sa pagtugon sa ‘ emergency evacuate’ dahil halos malapit na sa kanilang bahay ang apoy, batay sa kanyang post sa Twitter account bandang alas 6:53 ng gabi sa kanila. Kalaunan, muli siyang nagtweet na nakahanap na sila ng malilipatan bandang alas 7:11 ng gabi. Karagdagan pa, hininok din niya ang mga fans na manalangin para sa mga residente at mga taong apektado ng malawakang sunog. Nagpaalala rin siya sa mga ito na mag-ingat at maging ligtas.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG REAL-LIFE HANAMICHI SAKURAGI

Marahil batid ng ilan sa atin lalo na ang mga basketball fans kung sino si Hanamichi Sakuragi . Siya lang naman ang pinakabida sa basketball anime na Slam Dunk . Siya ang pinakasikat sa Shohoku Team at tinaguriang ‘ Henyo’ at ‘Hari ng Rebound’ .  Kung lilimiing mabuti, maaasahan talaga sa rebound si Sakuragi at magaling din sa depensa. Kapag umopensa naman, siguradong highlights ito dahil ang lupit niyang dumakdak. Pero,alam ba ninyo na ang naturang cartoon character ay talagang umiral sa tunay na buhay.Isang totoong persona. Dahil ang pangalang Hanamichi Sakuragi ay talagang eksistido.   Nang gawing anime ang kanyang buhay ay iniba ang ilan sa mga pangyayari sa kanyang talambuhay. Ang Sakuragi sa tunay na buhay ay ipinanganak sa bansang Japan noong taong 1968 na mula sa simpleng pamilya lamang. Ang kanyang nanay ay pumanaw noong siya’y musmos pa lang. At dahil sa kinalakihan niya na walang kinagisnang ina, nasabak sa basag-ulo si Sakuragi upang may mapagbuhusan ng sa

JAKE, ANG TAONG KALAHATING TAO, KALAHATING BUWAYA

Kagila-gilalas na inihayag ng mga researchers sa naturang pook ang kanilang natuklasan kuno sa isang kakatwang nilalang. Ito kasi ay kalahating-tao at kalahating buwaya. Ito ay may mukha ng tao at may katawan ng tao. Ngunit, pagdating sa ibaba, o kalahati nito, ay gaya ng katawan ng buwaya. Ito umano ay pambihirang pagkatuklas sa larangan ng Zoology sa nakalipas na 200 taon. Ito ay may habang 8 na talampakan ayon kay Dr. Gregory Hickens ng Miami based marine Biologist na gumugol na ng 48 taon sa naturang field. Nadiskubre ng Australian zoologist sa isang infected swamp kasama ang 6 sa kanyang six graduate students. Katulad aniya ito kay “Jake The Alligator Man” sa Longbeach, WA. Hindi nila akalaing totoo ang alamat tungkol sa taong buwaya na bukambibig na ng mga Natchez Indians ilang siglo na ang nakakalipas. Ito umano ang kinatatakutan ng mga mandirigmang Indians na sumisira ng kanilang sasakyang pantubig na canoe. Maging ang mga runaway slaves noong ika-18 dantaon ay

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil sa kakulangan ng supply