Lumaktaw sa pangunahing content

KOREAN TELE-NOBELA, BAKIT MALAKAS ANG HATAK?

Ang Korean Tv series na Mr. Sunshine( K Pop Wiki/FB Page)

Bakit marami ang naho-hook-up sa mga palabas o teleseryeng mula sa Korea? Bakit kilig na kilig ang mga Pinoy fans sa kanila? Batay sa isinagawang pananaliksik ng blog na ito, may kinalaman ang istorya, fashion, plot at pagganap ng mga artista sa mga nasabing palabas.

Hindi gaya sa mga Pinoy soap operas, ang istorya ng Korean (South Korea) ay mababaw lang. Pero may dating at laman, walang gaanong api-api at patayan.

Marahil, nauumay na rin ang mga Pinoy sa karaniwang plot ng Pinoy soap opera na labis ang pang-aapi ng kontrabida--- at mas alam pa ang viewers ang conflict ng istorya kumpara sa mga nagsisiganap. Di gaya ng sa Korea, na mahirap alamin kung anong mangyayari. Stress na nga raw ang mga Pinoy, makakapanood pa sila ng mga api-apihan na palabas. Isa pa, hook-up ang fans sa fashion statement ng Korea, kaya ganun na lang ang pagkahilig ng mga ito.
GADGETS, PWEDENG I-SWAP SA ALAGANG HAYOP
Kayo po ba ay may alagang tupa? Aba huwag maliitin yan at baka mabili mo ang gadgets na gusto mo gaya ng laptops, computers, cell phones iPad at iba pa. Kaya kahit wala kang malaking alat, tiyak na magkakaroon ka basta may tupa ka lang. Sa China, may isang  29-anyos na kelot sa Xinjiang Uygur autonomous region ang nagbebenta ng mga gadgets. 

Kung walang sapat na pera ang bibili, tinatanggap niya ang mga tupa bilang alternatibo. Ito ay si Jie Huang na tumatanggap ng tupa bilang bayad. Halimbawang kulang kulang ang pera mo at hindi sapat ang tupa sa target na gadget, puwedeng remedyuhan iyan. Halimbawa, gusto mong bumili ng Ipad pero isa lang ang tupa mo, puwedeng dagdagan iyan ng pera o cash on hand. Vice versa. Kung kaya, tumataas ang value ng isang tupa. Pag may ganito sa Pinas, mag-aalaga na ako niyan saka ng kambing. Teka, hindi kaya gagamitin ang tupa sa stem cell therapy?




WWE WRESTLEMANIA EVENT NA MAY PINAKAMARAMING AUDIENCE

Sa mga wrestling fans, malapit na ang WWE Wrestlemania. Pero, alam nyo ba na ang naitalang pinakamaraming miron na naging attendance ng nasabing okasyon? Ito ay ang Wrestlemania III noong Marso 29, 1987 na idinaos sa Pontiac Silverdome sa Pontiac, Michigan.

Kung saan, 93, 173 katao ang audience. Tampok sa nasabing Wrestlemania event ang laban nina Hulk Hogan at Andre the Giant para sa WWF championship. Gayunman,pinabulaanan ito ng iba, na kanilang sinasabi na malapit-lapit sa 78,000 katao ang attendance. Ang laban nina Hogan at ni Andre ay tumagal ng 12 minuto--- na nagtapos sa pagbuhat ng una sa 520 pound na higante, at pagkatapos ay ni-leg drop. Ang guest ring announcer noon ay si retired World Series Champion Bob Uecker at ang timekeeper ay si dating Entertainment Tonight host Mary Hart.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

FIA RADIO, SANDALAN NG MGA INDIE ARTISTS

Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon  sa  mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig  sa  music ang kanta mula  sa  indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie.  Sa  katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog  sa  kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin. Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain  sa  mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins  sa  nabanggit d...

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)

Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang  Zionchillers , hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama  sa  kanilang EP  Album  na  “Silver Silver Fantasy” .  Pero, dahil  sa  pagpupunyari,  sa  wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album. Sa  ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019  sa  digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo  sa  achievement na kanilang natamo. “ Una, nagpapasalamat tayo  sa  Panginoong Diyos dahil  sa  tagumpay na ibinigay Niya  sa  amin.  Sa  lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanill...