Lumaktaw sa pangunahing content

AKTRES, PINASLANG DAHIL SA KANYANG NALALAMAN SA 1947 UFO CRASH?


Hanggang ngayon, misteryoso pa rin ang pagkamatay ng Hollywood screen icon na si Marilyn Monroe. Lumalabas noon sa awtopsiya na namatay ang aktres dahil sa drug overdose. Subalit, sa pinakabagong pananaliksik, nabahiran ito ng kontrobersiya na may kaugnayan sa UFO. Kakatwa pero pinapatulan ng iba lalo na ang naniniwala sa mga alien. Ayon sa isang kontrobersiyal na bagong documentary, lumalabas na pinaslang si Monroe dahil marami itong nalalaman tungkol sa UFO.

Ayon sa isang palabas na may pinamagatang “Unacknowledge” ( na may video sa Youtube ) na idinirehe ni Michael Mazzola, naglalanan ang dokumentaryo ng ilang conspiracy theories, kung saan napabilang ang pagpanaw ni Monroe na namatay kuno sa drug overdose. Subalit, ang totoo umano, ay pinaslang dahil sa nalalaman sa UFO phenomenon. Nagbabala umano si Monroe sa kinauukulan na ilalahad ang tungkol dito at ang mga ebidensiya sa publiko.

Tampok din sa nasabing film documentary ang kontrobersiyal na UFO researcher na si Dr. Steven Greer, na nagbigay ng pahayag--- na ang pumanaw na aktres ay may nalalaman sa tanyag na 1947 UFO crash sa Roswell sa New Mexico. Sinabi rin ng Hollywood actor na si Burl Jues na hindi namatay sa drug overdose--- na palasak na pinaniniwalaang rason ng mundo kung bakit namatay si Monroe.

"The best evidence for extraterrestrial contact, dating back decades, is presented with direct top-secret witness testimony, documents and UFO footage, 80 per cent of which has never been revealed anywhere else," the plot summary of the documentary reads,” ani ng director na si Mazolla.

"The behind-the-scenes research and high-level meetings convened by Dr Steven Greer will expose the degree of illegal, covert operations at the core of UFO secrecy,” aniya.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

FIA RADIO, SANDALAN NG MGA INDIE ARTISTS

Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon  sa  mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig  sa  music ang kanta mula  sa  indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie.  Sa  katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog  sa  kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin. Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain  sa  mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins  sa  nabanggit d...

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)

Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang  Zionchillers , hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama  sa  kanilang EP  Album  na  “Silver Silver Fantasy” .  Pero, dahil  sa  pagpupunyari,  sa  wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album. Sa  ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019  sa  digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo  sa  achievement na kanilang natamo. “ Una, nagpapasalamat tayo  sa  Panginoong Diyos dahil  sa  tagumpay na ibinigay Niya  sa  amin.  Sa  lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanill...