Pinoy pug Anthony Villanueva
Kung inaakala n’yo na si Pinoy boxer Onyok Velasco at Pinay weighlifter Hidilyn Diaz ang naging markado at mga naunang nakapagbigay ng tansong medalya sa olympics, meron nang nauna sa kanila. Ito ay si Pinoy pug Anthony Villanueva, tubong Cabuyao, Laguna.
Hindi makakalimutan ng bansa ang karangalang ibinigay nito bilang kauna-unahang Pilipinong atletang nagbigay ng silver medal sa pinaka-prestiryosong palaro sa mundo. Nasungkit ni Villanueva ang medalyang pilak sa featherweight category sa 1964 Tokyo Olympics nang mabigo kay Stanislav Stepashkin ng Russia sa finals sa gahiblang iskor na 3-2.
Pagkatapos ng kanyang stint, pumalaot sa pro boxing si Villanueva Subalit, hindi naging matagumpay. Sinubukan niya ring sumabak sa acting at sinubukang ang samu’t-saring trabaho, kabilang ang pagiging cook, security guard at boxing coach.
Dumaan din siya sa mabigat na karamdaman, kabilang ang multiple strokes at ailments sa kanyang puso at bato ( kidneys). Dahil sa naranasang mabigat na pagsubok sa buhay, sinubukan ni Villanueva na ibenta ang kanyang silver medal sa milyong piso ang halaga ng ilang beses Ngunit, sa bandang huli, ito ay ipinagkaloob sa Philippine Sports Commission ( PSC).
Kalauana’y, pumanaw siya sa edad na 69, batbat ng karamdaman at kahirapan noong Mayo 13, 2014. Isang trust fund ang ginawa sunod sa kanyang pangalan ang itinatag ni veteren sports journalist Chino Trinidad. Sa gayun ay matiyak na wala nang atletang Pilipino ang mapababayaan kagaya nang nangyari sa kanya.
ANG TINAGURIANG “ THE CHESS WONDER BOY”
Bago pa gumawa ng pangalan sa larangan ng chess sina GM Eugene Torre at Wesley So, may nauna muna sa kanila. Ito ay sa katauhan ni Rodolfo Tan Cardoso. Si Cardoso ay tinaguriang “ The Chess Wonder Boy” at siyang naging kauna-unahang Asian International Master. Natuto siya sa paglalaro ng chess sa edad na 10 taong gulang mula sa panood-nood lang ng mga naglalaro nito sa barber shop sa Alaminos, Pangasinan.
Sa edad na 18, naging kampeon siya ng chess sa Pangasinan. Pagkatapos ay nagtungo sa Maynila upang makilahok sa 1st National Junior Chess Championship, kung saan ay pinagharian niya ang torneo. Noong 1956, naging miyembro si Cardoso ng 4-man Philippine team sa XII Moscow Chess Olympiad.
Ikinamangha ng ilang elite wooedpushers sa mundo ang pagsampa ni Cardoso sa ikalawang puwesto na pinangunahan ni David Bronsrein ng Russia. Si Cardoso ay may average na 76.5 percent sa loob ng 17 laro sa kanyang unang inernational tournament. Kaya naman, kinilala ng mundo ang husay niya at tinagurian siya ng Russian chess experts bilang “fine, natural gifts.”
Noong 1957, nirepresenta ni Cardoso sa Pilipinas sa World Junior Chess Tournament sa Toronto at nagtapos sa 5th place at g inawaran ng Norman Vincent Brilliancy trophy. Noong 1958, muli siyang sumali sa Olympiad sa Munich, kung saan ay nagtamo ng runner-up finished ang Pilipinas sa second consolation group finals.
Si Cardoso ay pinangalanang “ Ches Player of the year” sa loob ng 3 magkasunod na taon mula 1956 hanggang 1938 ng Philippine Sportswriters Association. Ito ay dahil sa kanyang impresibong perpormans sa Moscow na nagluklok kay Cardoso bilang International Chess Master, na ipinagkaloob ng Federacion International de Echecs (FIDE), at kauna-unmahang Asyano na nagtamo ng gayung pagkilala. Naging aktibo pa si Cardoso sa paglalaro ng chess sa loob ng 3 dekada. Naabutan pa niya ang pagpainlanlang ni GM Eugene Torre bilang 1st Asian Grandmaster.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento