Lumaktaw sa pangunahing content

ANG REAL-LIFE HANAMICHI SAKURAGI


Marahil batid ng ilan sa atin lalo na ang mga basketball fans kung sino si Hanamichi Sakuragi. Siya lang naman ang pinakabida sa basketball anime na Slam Dunk. Siya ang pinakasikat sa Shohoku Team at tinaguriang ‘Henyo’ at ‘Hari ng Rebound’

Kung lilimiing mabuti, maaasahan talaga sa rebound si Sakuragi at magaling din sa depensa. Kapag umopensa naman, siguradong highlights ito dahil ang lupit niyang dumakdak.

Pero,alam ba ninyo na ang naturang cartoon character ay talagang umiral sa tunay na buhay.Isang totoong persona. Dahil ang pangalang Hanamichi Sakuragi ay talagang eksistido.  Nang gawing anime ang kanyang buhay ay iniba ang ilan sa mga pangyayari sa kanyang talambuhay.

Ang Sakuragi sa tunay na buhay ay ipinanganak sa bansang Japan noong taong 1968 na mula sa simpleng pamilya lamang. Ang kanyang nanay ay pumanaw noong siya’y musmos pa lang. At dahil sa kinalakihan niya na walang kinagisnang ina, nasabak sa basag-ulo si Sakuragi upang may mapagbuhusan ng sama ng loob at mga problema sa buhay. 

Sadyang matangkad na siya sa edad na 12-anyos kumpara sa kasing-edad niyang mga bata na pumapalo sa taas na 5’10 na talampakan. Kung kaya,kapag nakipagbangasan ng mukha ay no match ang kayang mga kaaway sa pakikipagbasag-ulo.

Minsan, nakipagsuntukan siya sa mga estudyante sa University of Tokyo. Ang kanyang angas at tikas sa pakikipagsuntukan ay nakapagbigay ng interes sa isang coach ng basketball team roon. Si Sakuragi kasi, bukod sa matangkad na, mabilis pang kumilos at maganda ang built ng pangangatawan. Inalok ng coarch si Sakuragi na sumali sa basketball team.

Noong edad 17 na siya, isang practice game ang ginanap laban sa National Team of Japan. Pumapalo na noon ang taaas ni Sakuragi sa 1.89 metro o katumbas ng 6’2 talampakan noong nasa High School siya. Hindi takot si Hanamichi kahit professional pa ang kanyang kalaban.

Katunayan, humakot siya ng 33 puntos sa  10 jump shots, 3 blocks, 1 three point shot, at isang tira na hindi basta maipaliwang  kung ano iyon. Kumana rin siya ng 2 free throw shots, at 3 dakdak o dunks. Sa totoong buhay, isang offensive player si Sakuragi na kabaligtaran sa palabas na cartoon. Natalo ang kanyang koponan sa score na 59- 115. Gayunpaman, marami ang humanga sa ipinakita ng isang bagito sa larangan ng basketball.

Nang 18-anyos na siya, nagkasakit ang kanyang tatay. Nagbalik uli sa Tokyo si Sakuragi upang dalawain sa ospital ang amang maysakit. Sa kasamaang palad, habang papatawid na siya sa kalsada ay nasagasaan siya ng kotse. 

Malakas ang impact kung kaya nawalan ng malay si Sakuragi. Habang dinadala siya sa ospital ay dead-on-arrival na siya dahil sa internal hemorrhage, bago siya dalhin sa operating room.  Sa edad na 18-anyos, pumanaw na si Sakuragi.

Malaki ang panghihinayang ng Japanese Basketball sa kanyang pagpanaw. Kasi, nakikita nilang malaki ang magagawa ni Sakuragi sa kanilang koponan patungo sa inaasam na World Basketball Championship at Olympics. At tinitingnan nila ang senaryo na si Sakuragi ay makakapasok sa NBA. Kung nagkataong buhay siya, makakasabayan niya si Michael Jordan

Ang talambuhay ni Sakuragi ay ginawang Manga Comic series ni Takehiko Inoue. Kalaunan, dito na nga naisilang ang cartoon na Slam Dunk. Sa naturang anime, kengkoy si Sakuragi. Sadyang ginawang ganun ang karakter niya upang pagtakpan ang kalungkutan sa likod ng buhay ng Henyo at Hari ng Rebound.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

JAKE, ANG TAONG KALAHATING TAO, KALAHATING BUWAYA

Kagila-gilalas na inihayag ng mga researchers sa naturang pook ang kanilang natuklasan kuno sa isang kakatwang nilalang. Ito kasi ay kalahating-tao at kalahating buwaya. Ito ay may mukha ng tao at may katawan ng tao. Ngunit, pagdating sa ibaba, o kalahati nito, ay gaya ng katawan ng buwaya. Ito umano ay pambihirang pagkatuklas sa larangan ng Zoology sa nakalipas na 200 taon. Ito ay may habang 8 na talampakan ayon kay Dr. Gregory Hickens ng Miami based marine Biologist na gumugol na ng 48 taon sa naturang field. Nadiskubre ng Australian zoologist sa isang infected swamp kasama ang 6 sa kanyang six graduate students. Katulad aniya ito kay “Jake The Alligator Man” sa Longbeach, WA. Hindi nila akalaing totoo ang alamat tungkol sa taong buwaya na bukambibig na ng mga Natchez Indians ilang siglo na ang nakakalipas. Ito umano ang kinatatakutan ng mga mandirigmang Indians na sumisira ng kanilang sasakyang pantubig na canoe. Maging ang mga runaway slaves noong ika-18 dantaon ay

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil sa kakulangan ng supply