Lumaktaw sa pangunahing content

TATLONG BALANG NA MAY MUKHA NG TAO!



Atin illahad pa ang ilan sa mga propesiya na nakasaad sa ‘Prophecy Code’ na nakasaad din sa ‘The Book of Mysteries’. Kapag iyong binasa ang ilan sa mga nakasulat sa propesiya ni Nostradamus, at ng nakasaad sa Biblia, may pagkakahawig.  Ang mga hula na nakasaad sa naturang aklat o kalipunan nito ay walang tiyak na pinatutungkulan o maligoy ang pinatutungkulan nito. Hindi rin sunod-sunod na natupad.
Kaya lamang, kapansin-pansin ang na kapag nilimi mo ang mga kaganapan noon sa mga nakalipas na panahon lalo na noong ika-20 siglo, puwede mong iugnay  ito. Puwede kasing pagbatayan ang bawat tala na nakasulat sa mga pangyayari at aakalin mong natupad nga. Pero, ang mga tala na kinopya lamang sa Banal Na kasulatan ay walang sablay dahil nakatakda naman talagang mangyari.
Narito ang ilan pa sa mga propesiya.
-         Tatlong balang na may mukha ng tao ang magbibigay ng kaabahan sa tatlong yugto ng panahon. Sila ay makapangyarihan at sa usok na binubuga nila mula sa kanilang bibig ay maraming tao ang nalipol”. (Prophecy 13).
Sagot:  Ang balang ay tumutukoy umano kina Adolf Hitler, Joseph Stalin, at Mao Ze Dung. Na sa kanilang diktaturya’y maraming tao ang nasa balag ng alanganin at marami ang pinapatay. Ang naturang 3 balang ang naitala sa sa kasaysayan na may pinakamaraming ipinapatay na indibidwal noong kanilang diktaturya.
-         Sa mga huling yugto ng panahon at sa mga huling araw, ang karunungan ng tao ay uunlad. Mula sa himpapawid ay masisilayan ang dambuhalang ibon na gawa sa bakal . Anupa’t paroo’t parito ang mga tao”. (Prophecy 14/ May pagkakahawig sa hula ng  talatang 12:4 ng aklat ng propetang si Daniel).

Sagot: Katuparan ito ng pagkaka-imbento ng sasakyang panghimpapawid na eroplano na pinalinang ng magkapatid na Wilbur at Oliver Wright noong taong 1903. At mula sa pagkakalinang na iyon ay napaunlad ang naturang imbensiyon na siyang nakikita natin sa panahon ngayon.

-         Ang makapangyarihang sampu na titingalain sa balantok (sa ibabaw)  ng lupa. Ang mga bansang ito ang siyang sampung haligi ng mga tao sa daigdig. Para silang mga lobong kinatatakutan at parang mga osong mabangis sa kagubatan.  (Prophecy 15).
Sagot:  Tinutukoy dito ang 10 makapangyarihang mga bansa na daigdig sa panahon natin ngayon. Batay sa pananaliksik, ang mga nasyong Estados Unidos, China, Russia, Britanya, Pransiya, Alemanya, Japan, India, at Iran ang siyang kontemporaryong tala ng 10 makapangyarihang nasyon sa daigdig batay sa kani-kanilang aspeto. Ang talang ito ay pinagtatalunan din ng iba at dapat din daw mapasama ang mga bansang Brazil, Pakistan, South at North Korea, at Israel sa listahan. Kumpurmi siguro sa bawat aspeto.
-         “Dalawang dambuhalang ibon ang sumalpok sa dalawang haligi sa isang lupain sa Kanluran. Sumabog umusok noong ika- 11 araw ng ika- 9 na pag-inog ng mga buwan. Kaabahan…kaabahan nga… sapagkat ang daigdig ay natikmak ng dugo ng karahasan.”  (Prophecy 16).

Sagot: Ang mga hulang ito ay nakasaad din sa talalan o Quatrain ni Nostradamus, Bulgarian prophet na si Baba Vanga at iba pa. Sa orihinal na salin ay medyo Malabo at maligoy Ang nakasaad sa propesiya at noong ito’y isinalin, isinulat lamang sa paraang medaling maunawaan at maintindihan. Tinutukoy ditto ang 9/11 Terrorist Attack sa Twin Towers at Pentagon sa New York noong ika- 11 ng Setyembre 2001.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

BAKIT MAHABA ANG BUHAY NG MGA PATRIYARKA?

Pagkatapos ng Bahang Gunaw, si Noe (600 taon ) ay nabuhay pa ng 350 taon. Sa edad na 950 taon ay namatay na siya (Genesis 9: 29). Muli, may nagtatanong na ilan, bakit mahaba ang buhay ng mga sinaunang tao, lalo na ang mga patriyarka na nakasaad sa Biblia na lubhang imposible nang maarok at hidi aakalaing maaabot nila ang gayung napakahabang taon na nabuhay sa lupa . Na ang kanilang buhay ay kulang-kulang o halos 1000 taon nang sila’y mamatay. I-halimbawa natin ang unang lalaking nabuhay na si Adan. Siya ay pumanaw sa edad na 930 taon ( Genesis 5:4) . Si Matusalem, na naitala na siyang pinakamatandang nilalang na nabuhay sa edad na 969 taon ( Genesis 5: 27 ) at maging si Noe ay nabuhay hanggang 950 taon ( Genesis 9:29). Mantakin na lang halimbawa kung ilang pelikula pa ang mapapanood nila, o kaya’y magiging asawa, anak, inapo, presidenteng maabutan, at ilang kaganapan sa kasaysayan ang kanilang masasaksihan. Pero, sa panahon ngayon, kapag umabot ka ng 65 o kaya’y 70, m...

PYRAMID OF EGYPT, GAWA BA NG MGA ALIEN?

Sadyang nakakamanghang ang mga piramide sa Egipto kapag pinagmasdan. Isang arkitekturang kahanga-hanga na ipinagmamaki ng bansa. Subalit, ang misteryo tungkol dito ay nabuksan na sa nakalipas na libong taon. Hindi kumbinsido ang mga kontemporaryong archeologist, na ngayon ay naniniwala sa tala at mga aklat   ni Zecharia Sitchin . Maging ang manunulat na si William Henry na siyang nagsulat ng aklat na Egypt, 'The Greatest Show on Earth' ay ipinahayag na hindi gawa ng tao ang mga naturang pyramids. Aniya, ito ay ginawa ng kakaibang mga nilalang na tinatawag nga na mga alien--- na sinabi niya sa isang conference nang dumalaw siya sa Egypt noong Enero 17, 2010 Egypt Tour. Kung pagbabatayan umano ang kasaysayan. Ang tatsulok na arkitektura’y nilikha o ginawa noong panahon ng lumang bato. Kung lilimiin at iisipin batay sa siyensiya, nangangahulugang gawa iyon ng mga apeman. Aniya, papaanong magagawa iyon ng mga gayung tao sa gayung sibilisasyon gayung ang gamit nila ...