May mga taong nagsasabi sa amin, na--- bakit pa kami
nagbanda ngayong may mga sarili na rin kaming pamilya?Bakit daw hindi na lang
namin piliing magtrabaho at kumita ng pera upang mapunan ang pang
araw-araw na pangangailangan ng pamilya, (kasi nga raw walang pera sa banda).
Ang tanong namin, ang pagbabanda po ba ay hindi
maituturing na trabaho’t propesyon? Oo nga’t maliit ang pera’t minsan nga ay
wala sa kadahilanang mabigat ang kompetisyon sa industriya ng musika.
Subalit, hindi masusukat ng ano mang kayamanan ang
kaligayahang nagagawa mo ang gusto mo, sa paraang hindi maiintindihan ng ilan.
Ang tagumpay sa katuparan ng bawat pangarap ay hindi nakakamtan ng buong sipag
ng magdamag lamang, sakripisyo ng isang araw lang, pagtitiyaga ng isang linggo
lang o pagpupursigi ng ilang buwan lamang.
Ang hindi pagsuko sa proseso ng paghulma sa tagumpay---
ay ang sikreto sa katuparan ng bawat pangarap.
Ganito sa musika o anumang larangan ang iyong pasukin.
Sasabihin sa 'yo ng mga taong tulog ang utak na “Wala kayong mararating sa
pagbabanda nyo” ---dahil nakikita lang nila kung ano ang nais nilang
makita nila ngayon, at pikit ang mata para sa bukas at sa hinaharap mo na
maaaring magtagumpay ka dahil sa pagsusumikap mo kahapon.
Alam namin na may mararating kami.
Alam namin sa sarili
namin na magbubunga ang lahat ng aming pagsusumikap sa larangang pinili namin (Musika). Alam
naming iniintindi kami ng aming mga sariling pamilya, dahil ang lahat naman ng
ito ay para rin sa kanila. At kung kami naman ay mabigo, wala kaming paki dahil
hindi naman kami naniniwala sa idelohiya ng kabiguan. Sapagkat palaging may
puwang ang improvement sa bawat kinakaharap na mga pagsubok.
Hindi kami reklamador at hindi kami marunong sumuko sa
bawat laban ng buhay, marami mang problema ok lang natural yun dahil nabubuhay
tayo.
“Ang buhay ay hindi karera, maaaring mauna ka ngayon at
mahuhuli ka naman bukas. Walang kalsadang pantay lang, kailangan mong umahon at
lumusong hindi pwedeng kung saan ka ligtas ay dun ka nalang ang importante ay
sumubok ka at ginawa mo ang dapat mong gawin sa buhay mo na nagpapasaya sayo
mahirap mag sisi sa huli at hinding hindi mo na yun mababawi.”
Tatanungin kita, "masaya ka ba sa ginagawa
mo?”
Kapag tinanong mo kami ng ganyan, dalawang letra lang
maisasagot namin--- “OO”.
-THORRE
Ang artikulong ito ay halaw sa pahayag ng bandang Thorre Ph sa kanilang Facebook Page noong Agosto 19, 2019.
Ang artikulong ito ay halaw sa pahayag ng bandang Thorre Ph sa kanilang Facebook Page noong Agosto 19, 2019.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento