Si Zara
Hartshorn
United Kingdom- Isang kakatwa ang sitwasyon ng isang 13-anyos na
dalagita noon--- na sa kabila ng kanyang tunay na gulang ay mukha na siyang
matanda. Siya ay si Zara Hartshorn na lubhang nagdurusa sa kanyang rare skin
condition na tinatawag na ‘lipodystrophy’. Ang kakatwang
karamdaman na ito ng babae’y ay siyang nagpapaging mukha siyang kagaya ng
matandang babae na nagdudulot sa kanya ng araw-araw na pamamanglaw.
Mahirap
isipin na gayun nga ang kanyang sitwastyon na talaga namang ikaw
maipagkakamali. Sa unang tingin kasi, aakalain mong matanda na talaga si Zara.
Agn masagwa, mas matanda pa ang kanyang hitsura kumpara sa kanyang 40-anyos na
nanay na si Tracy. Alam nito (Tracy) na nakuha o namana ni Zara ang
nakakapanlumong kondisyon. Aniya, lahat ng kanyang supling ay may ganitong
palatandaan, ngunit mas nakikita ang mas malalang kalagayang iyon sa kaso ni
Zara. Nang pitong araw pa lang ang gulang ng bata, nakitaan na siya ng
kakatwang pagma-matured ng hitsura.
Kaya naman, pinoprotektahan ni Tracy ang kanyang
anak mula nang maliit pa ito hangggang sa pumasok ito sa eskuwelahan. Doon na
nagsimula ang bangungot. Ang mga kamag-aral ng bata’y ginagawa siyang katuwaan.
Tinutukso siya ng granny o lola. Ang masakit, inaaway siya ng iba at
pinagbubuhatan ng kamay. Ang mga
matatanda naman ay nagugulantang kapag nakikita siya dahil sa kabila ng kanyang
musmos na gulang ay kulubot na ang kanyang balat. Anila, hindi na magagamot ang
gayung kondisyon ng dalaga. Sa kondisyong taglay nito noon ng kanyang ina noong
kasing-edad niya si Zara ay nakaranas din siya ng gayung panunukso. Ngunit,
nagpa-facelift siya. Ngunit, makalipas ang 2 taon, ang sintomas ng
Lypodystrophy ay lumala kaya naman suamilalim siya ng surgery sa kanyang peklat
o scar.
Ang
modernong medisina ay naagapan iyon. Kaya naman desperado na si Tracy na
matulungan ang anak bago mahuli ang lahat. Subalit, hindi kayang tustusan nito
ang tamang skin treatment sa kanyang kinikita. Aniya, naaawa na siya sa kanyang
anak. May kaso kasing ang isang bus driver ay tiningnan si Zara at gayun na
lamang ang halakhak nito habang ang mga pasahero ay naghahagikgikan din.
“Talagang nakakahiya. Nangyayari ang gayung
panunukso sa akin ng lagi na lang. Hindi ako makakuha ng child’s bus o ng tiket
sa sinehan. At kapag nakikita ako ng tao na suot ko ang aking school uniform,
iniisip nilang matanda na akong estudyante o kaya naman ay nagsusuot ako ng
wirdo. Kayhirap talaga, para akong binabato at ibinabaon ng buhay,” pahayag
ni Zara sa Mirror.co.Uk.
Aniya wala
sanang problema kung lingid sa tao na sa unang impresyon ay talagang matanda na
siya. Ngunit, kapag nalaman na ng mga ito na siya’y dalaga o teenager pa lang,
doon na nagkakaroon ng panunukso. Pati tuloy nanay niya ay nasasaktan kapag
umuuwi siya sa kanilang bahay na umiiyak.
Sa kabila
na siya (Zara) ang pinakabunso sa kanilang magkakapatid ay napagkakamalan
siyang lola nila ng mga kapatid niyang sina Jolene, 21-anyos, at Tommy,
16-anyos na may gayung ding kondisyon. Pero, hindi kasinglala ng kay Zara. Ang
tanging hangad lang ng dalaga ay mamuhay siya ng normal gaya ng normal na
teenager at respetuhin at tanggapin ng lipunan sa kabila ng kanyang kakatwang
kondisyon. Aniya, mukha lang siyang lola, pero puso at isip- dalaga pa rin
siya. Nagkaka-crush din sa kapwa teenager na lalaki, pero suntok sa buwan kapag
pumasok siya sa isang relasyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento