Gumma, Japan- Karaniwang
ang palikuran ay ginawa para doon tayo magbawas kapag tinatawag ng kalikasan.
Ngunit, sa naturang pook ay may isang templo roon na tinatawag na Mantokuji,
ang mga unhappy wives ay nagtipon-tipon doon para i- flush nila ang kanilang
prustrasyon sa inidoro sa loob mismo ng templo. Ito ay tinatawag nilang ‘Holy
Toilets’. Bawal nga lang dito ang magpopo o umihi. May ibang CR naman doon na
kapag sinumpong ka ng pagbabawas, doon mo gawin.
Ang ganitong gimik ay ginagawa noon ng mga babaeng binantaang
hihiwalayan o kaya’y ididiborsiyo ng kanilang mga asawa. Kaysa sa isipin nilang
magpatiwakal dahil sa nadaramang panlulumo at galit, pumupunta sila sa templo.
At gaya ng duming idinespatsa sa inidoro, doon ay magsasagawa ng isang
panalangin ang isang babae. At pagkatapos noon ay ipa-flush niya ang inilagay
na paninibugho’t galit sa inidoro para mawala ang sakit na nararamdaman.
Ngayon, ang holy toilets ay pareho nang pinupuntahan ng babae’t lalake
hindi lamang para tanggalin ang nadaramang galit at prustrasyon. Kundi, maging
ang mga nadaramang alalahanin sa buhay ay kasamang pinapawi kapag nai-flushed
na sa inidoro. Ang director ng templo na si Tadashi Takagi ay pinaliwanag na
ang mga bisita ay nagnanais na maalis ang masamang karanasan o bagay sa
kanilang buhay. Sa gayun ay magiging lagi silang maligaya.
May dalawang
dibisyon o toilet na maaaring puntahan ng mga bisita roon. Una ay ang white
toilet para sa mga “Enkiri” o sa mga may-asawang may problema na gustong maging masaya ulit
ang pagsasama. Ikalawa ay ang “Enmusubi” para lalong maging maganda ang
relasyon ng mga magsing-irog at buhay may-asawa.
Ngunit, hindi lahat ng pumupunta sa templo ay pawang problemang
pang-puso o pagsasama lamang. May ilan na iba ang dahilan ng pagpunta roon. Ang
69-anyos na si Shizue Kurokawa ay isang matabang lola na nagnanais na bumaba
ang kanyang timbang at maging mabuti ang kalusugan. Ang negosyanteng si Kiyo
Suziki naman ay nagtungo sa black toilet at humiling na maging maganda ang takbo
ng kompanya niya. Isinama niya na rin sa panalangin na makaahon ang buong bansa
at taong bayan sa nararanasang deplasyon.
“Anuman ang nais hilingin o mangyaring maganda sa
inyong buhay, makalimutang nasakit na alaala, tagumpay sa buhay pag-ibig at negosyo
ay pumunta lamang sila sa aming templo. Kapag nasa piniling holy toilet na ang
isang bisita’y isusulat niya ang kanyang nais mangyari sa isang toilet paper.
Pagkatapos ay ilagay sa inidoro at i-flush,” pahayag ni Tadashi. May ilan
namang nagpapatotoo na gumaan ang pakiramdam nila at naging positibo sa buhay
mula nang gawin nila ang ritwal sa holy toilet.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento