(Pahayag ni Nolit
Abanilla ng Indie Pinoy at Radio Pilipinas)
“Ang aking opinyon
naman ay iwasan natin ang ‘climate ng kompetisyon’ sa musika. Lumang konsepto
ito, kung saan sinusuportahan ang komersyalismo sa music. Ang opinyon ko ng maganda ay maaring hindi maganda sa iba. Ito ay bunga
ng aking kamulatan at iba't iba ang ating mga kinagisnan. Kung ang maganda ay
opinyon ng isang may "katungkulan" ibig bang sabihin ito na ang
maganda sa lahat?”
“Huwag tayo magpaloko.
Lahat tayo ay nakikinig ng mang aawit at ng mga awitin. Huwag natin limitahan
sa iilan lang ang pwede natin pakinggan. Ang away sa isyu ng composer at singer
ay bunga lang ng sitwasyung ito sa industriya ng music. Lahat sila ay biktima
sa paniniwalang kompetisyon. Wala tayo dapat pag awayan. Lahat tayo ay makinig
sa sari saring musika ng mas nakakarami. Hindi lang ng iilan. Payagang
magtanghal ang lahat ng musikero lalu na yung nasa independent scene para
marinig ng lahat ng hindi naglalaban laban. Ito ang dapat.”
ISYU SA MGA COVER SONGS
(Pahayag ni Nolit
Abanilla ng Indie Pinoy at Radio Pilipinas)
Hindi
lahat ng songwriters alam ito kaya pinag uusapan tuloy sa social media at
madami ang nagkakamali ng decision. Aware si Youtube sa copyright laws (synch
rights specifically). When someone uploads a video of a cover song to youtube,
mayroon itong tinatawag na Content ID system.
Automatically iniiscan
ni Youtube lahat ng content na inauupload sa youtube at kapag ang content mo ay
naglalaman ng song na nasa Content ID system nila meron ito sinusunod na option
based on sa kung ano ang
isinet ng publisher ng song thru its aggregator. Pwedeng (1) allow ng publisher
na ma-stream ang (cover) song but publisher will get all the monetization from
the video, (2) not allow the song to be streamed at all and mute it from the
video, (3) Block the video, (4) Restrict the viewing in certain
teritiories/countries or block on certain platforms. Makikita ang action na ito
along with the description ng video. And decision ng options na ito ay
manggagaling sa publisher ayon sa dictate ng songwriter (or kung ano man ang
pinagusapan nila), at ipapasa sa aggregator na syang susundin ni youtube. Ikaw,
ano sa palagay mo mas gusto mo mangyari? Wag i-allow na me mag cover ng kanta
mo at maging exclusive lang talaga sa version mo?
Or hayaang sumikat ang
kanta mo at kumita ka nang wala ka nang kahirap hirap, walang ginawa sa bahay,
or naglalaro lang ng candy crush? Tandaan lamang na naayon ang kita mo actual
na kita ng produkto at porsyento lang ang nakukuha mo. At syempre to show
courtesy, dapat i-acknowledge ng singer yung song mo at ikaw as a songwriter.
Pero, usually automatically nilalagay naman ni Youtube ito sa description in
case nakaligtaan mong banggitin na cover song ito.
My point here is, be aware but dont be alarmed too much
regarding copyright issues of your songs on digital platform or social media in
general. The internet is not a jungle of theives with no rules or police. The
structures follow rules and are even more specific according to country. Mas
nakakatakot nga sa real world dahil may areas na di nasusubaybayan ang mga
magnanakaw ng kanta. Sa digital world lahat ay na tetrace at nababantayan.
So how do you get your song included on Youtube's Content ID system?
Release them to digital stores via aggregator thru your publisher. Nandito lang
ang @Indiepinoy
makakatulong sa inyo dyan (shameless plug - hehehe).
Part 2 naman ito ng issue tungkol sa
Youtube cover song. Kung ikaw naman ay mag cocover ng song at ipopost mo sa
Youtube, be aware of the rights that Youtube is allowing you to do. Buti nga
pinadali ni youtube ang sistema at hindi ka na maghahagilap kung sino ba ang
publisher ng kantang kinanta mo at humingi ng permission or mag bayad. First be
courteous and acknowledge the songwriter. Pwede din the original singer kung di
mo alam ang songwriter, usually the songwriter will bow to that and accept your acknowledgement.
Be aware that you are not doing the cover version to earn money.
Kung gusto mo kumita
then you should get mechanical rights to record the song and release it for
selling either in physical cd or in digital stores. This will get your
percentage of profit when your version is uploaded to youtube as it will now be
included in the content ID system. Kung ang song mo ay kasama dun sa nag option
to block or not allow other to cover your song, sorry ka nalang at pwedeng ma
take down yung cover song video mo or ma mute. Lets respect the songwriter
nalang if they choose this option for whatever reason they have. Karapatan nila
un.
Remember hindi masama
mag cover ng song. Others do this to have their take on the song. Others do
this as a way to get popular. Others do it for whatever reason they have. Kung
ikaw ay walang ibang ginagawa kundi mag cover ng mag cover ng songs at hindi
gumawa ng original song, ok lang yan. Wag ka lang mag expect na matawag na
songwriter. Pero choice mo yan. Marami namang dyan singers na magaling kumanta
pero hindi marunong mag compose ng song.
I am just hoping sa mga
Pinoy na wag naman tayo maging mapanghusga at manglait agad ng mga musikero
dahil puro covers lang ang ginagawa nila. Hindi mo sila pwedeng sabihin na
hindi sila magaling na singer dahil wala silang sariling kanta. Singer sila.
Hindi naman definition ng singer ang gumawa ng original song. Songwriter un.
Kung songwriter din ung singer, e di ok.
Pero, hindi ibig sabihin
mas magaling na singer sya kasi songwriter din sya. Ang kanta tulad ng lahat ng
arts ay hindi dapat ipinag-cocompete with each other. Lahat naman yan pwede
natin pakinggan. Mag enjoy nalang tayo sa mga awiting ito. One way or another
nagiging bahagi ito sa buhay natin. At napakinabangan natin ito. Salamat sa
kumanta at nag- compose.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento