Pagkatapos ng Bahang Gunaw, si Noe (600 taon
) ay nabuhay pa ng 350 taon. Sa edad na 950 taon ay namatay na siya (Genesis 9:
29).
Muli, may nagtatanong na ilan, bakit
mahaba ang buhay ng mga sinaunang tao, lalo na ang mga patriyarka na nakasaad
sa Biblia na lubhang imposible nang maarok at hidi aakalaing maaabot nila ang
gayung napakahabang taon na nabuhay sa lupa . Na ang kanilang buhay ay
kulang-kulang o halos 1000 taon nang
sila’y mamatay.
I-halimbawa natin ang unang lalaking
nabuhay na si Adan. Siya ay pumanaw sa edad na 930 taon (Genesis 5:4). Si Matusalem, na naitala na siyang pinakamatandang
nilalang na nabuhay sa edad na 969 taon (Genesis
5: 27) at maging si Noe ay nabuhay hanggang 950 taon (Genesis 9:29).
Mantakin na lang halimbawa kung ilang
pelikula pa ang mapapanood nila, o kaya’y magiging asawa, anak, inapo,
presidenteng maabutan, at ilang kaganapan sa kasaysayan ang kanilang
masasaksihan. Pero, sa panahon ngayon, kapag umabot ka ng 65 o kaya’y 70,
mahaba na ang buhay mo niyan.
May dapat tayong isaalang-alang tungkol
dito sa pamamagitan ng paggamit ng ilang salik upang malaman natin kung bakit
nila naabot ang gayung tagal ng buhay. Batay sa pananaliksik ng mga Bible
scholars, ang mga salik gaya ng klima, uri ng kinakain, temperature, at lusog
ng pangangatawan ang dahilan sikreto ng mahabang buhay.
Ating tandaan na ang mga naturang tao
ay nabuhay sa kaagahan pa lamang ng pag-usad ng panahon at edad ng mundo kung
kaya napakasariwa pa ng hangin at mainam ang klima. Ang temperatura ay lubhang
mainam na lubhang komportable sa katawan nila. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang
mainam na klima ay dapat papalo sa 22-25 degrees centigrade upang makatulong sa
pagprepreserba ng katawan. Marahil, iyan ang klima noong kapanahunan ng mga
patriyarka na komportable sa medyo mahamog na pook.
Batay pa sa pag-aaral, marahil luto sa
baga o inihaw, laga, at pinakuluan sa tubig ang kanilang kinakain. Ang mga ito
ay wala pang halong preservatives at mga kemikals. Sariwang-sariwa ang mga ito
maging ang tubig na kanilang iniinom at ang mga pagkaing nilalantakan nila ay
malaki ang tulong sa pagpapahaba ng kanilang buhay. Isa pa, wala pang gaanong
bisyo ang mga sinaunang tao ng Diyos na magpapahina ng kanilang katawang laman.
Maliban na lamang sa pag-inom ng katas ng ubas o alak paminsan-minsan na siyang
ginawa ni Noe.
Ayon kay Sir, Frederick Kenyon, ang
katumbas lamang kapag naabot na ang 100 taon ay umabot ka lamang sa edad na
25 hanggang 30 taon sa ngayon. At sa
bawat 100 taong nadadagdag sa buhay ay katumbas lamang ng 10 o 9 na taon. Kung
kaya, si Matusalem na nabuhay ng 969 taon ay para katumbas lang ng 80- 90 taong
gulang sa ngayon nang mamatay sa antas ng pangangatawan, hitsura, at lakas.
At higit sa lahat na dapat
isaalang-alang sa pagkakaroon nila ng mahabang buhay ay ang gabay, tulong, at
basbas ng Panginoong Diyos. Tanong, maaabot ba natin ang edad nina Matusalem at
Noe halimbawang ginusto natin? Hindi po. Bakit? Kahit anong ingat mo pa ay
malabo na. Sinabi ng Diyos na pinakamahaba na iyong makaabot ka ng 120 taon at
di na lalagpas pa dito. (Genesis 6:3).
Nice article po.
TumugonBurahin