Lumaktaw sa pangunahing content

BAKIT MAHABA ANG BUHAY NG MGA PATRIYARKA?




Pagkatapos ng Bahang Gunaw, si Noe (600 taon ) ay nabuhay pa ng 350 taon. Sa edad na 950 taon ay namatay na siya (Genesis 9: 29).

Muli, may nagtatanong na ilan, bakit mahaba ang buhay ng mga sinaunang tao, lalo na ang mga patriyarka na nakasaad sa Biblia na lubhang imposible nang maarok at hidi aakalaing maaabot nila ang gayung napakahabang taon na nabuhay sa lupa . Na ang kanilang buhay ay kulang-kulang o halos 1000 taon nang sila’y mamatay.

I-halimbawa natin ang unang lalaking nabuhay na si Adan. Siya ay pumanaw sa edad na 930 taon (Genesis 5:4). Si Matusalem, na naitala na siyang pinakamatandang nilalang na nabuhay sa edad na 969 taon (Genesis 5: 27) at maging si Noe ay nabuhay hanggang 950 taon (Genesis 9:29).
Mantakin na lang halimbawa kung ilang pelikula pa ang mapapanood nila, o kaya’y magiging asawa, anak, inapo, presidenteng maabutan, at ilang kaganapan sa kasaysayan ang kanilang masasaksihan. Pero, sa panahon ngayon, kapag umabot ka ng 65 o kaya’y 70, mahaba na ang buhay mo niyan.

May dapat tayong isaalang-alang tungkol dito sa pamamagitan ng paggamit ng ilang salik upang malaman natin kung bakit nila naabot ang gayung tagal ng buhay. Batay sa pananaliksik ng mga Bible scholars, ang mga salik gaya ng klima, uri ng kinakain, temperature, at lusog ng pangangatawan ang dahilan sikreto ng mahabang buhay.

Ating tandaan na ang mga naturang tao ay nabuhay sa kaagahan pa lamang ng pag-usad ng panahon at edad ng mundo kung kaya napakasariwa pa ng hangin at mainam ang klima. Ang temperatura ay lubhang mainam na lubhang komportable sa katawan nila. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang mainam na klima ay dapat papalo sa 22-25 degrees centigrade upang makatulong sa pagprepreserba ng katawan. Marahil, iyan ang klima noong kapanahunan ng mga patriyarka na komportable sa medyo mahamog na pook.

Batay pa sa pag-aaral, marahil luto sa baga o inihaw, laga, at pinakuluan sa tubig ang kanilang kinakain. Ang mga ito ay wala pang halong preservatives at mga kemikals. Sariwang-sariwa ang mga ito maging ang tubig na kanilang iniinom at ang mga pagkaing nilalantakan nila ay malaki ang tulong sa pagpapahaba ng kanilang buhay. Isa pa, wala pang gaanong bisyo ang mga sinaunang tao ng Diyos na magpapahina ng kanilang katawang laman. Maliban na lamang sa pag-inom ng katas ng ubas o alak paminsan-minsan na siyang ginawa ni Noe.

Ayon kay Sir, Frederick Kenyon, ang katumbas lamang kapag naabot na ang 100 taon ay umabot ka lamang sa edad na 25  hanggang 30 taon sa ngayon. At sa bawat 100 taong nadadagdag sa buhay ay katumbas lamang ng 10 o 9 na taon. Kung kaya, si Matusalem na nabuhay ng 969 taon ay para katumbas lang ng 80- 90 taong gulang sa ngayon nang mamatay sa antas ng pangangatawan, hitsura, at lakas.

At higit sa lahat na dapat isaalang-alang sa pagkakaroon nila ng mahabang buhay ay ang gabay, tulong, at basbas ng Panginoong Diyos. Tanong, maaabot ba natin ang edad nina Matusalem at Noe halimbawang ginusto natin? Hindi po. Bakit? Kahit anong ingat mo pa ay malabo na. Sinabi ng Diyos na pinakamahaba na iyong makaabot ka ng 120 taon at di na lalagpas pa dito. (Genesis 6:3).


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

FIA RADIO, SANDALAN NG MGA INDIE ARTISTS

Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon  sa  mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig  sa  music ang kanta mula  sa  indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie.  Sa  katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog  sa  kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin. Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain  sa  mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins  sa  nabanggit d...

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)

Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang  Zionchillers , hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama  sa  kanilang EP  Album  na  “Silver Silver Fantasy” .  Pero, dahil  sa  pagpupunyari,  sa  wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album. Sa  ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019  sa  digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo  sa  achievement na kanilang natamo. “ Una, nagpapasalamat tayo  sa  Panginoong Diyos dahil  sa  tagumpay na ibinigay Niya  sa  amin.  Sa  lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanill...