AYON sa ulat sa Kingdom of Saudi Arabia, sila ang kauna-unahang bansa na nagkaloob ng citizenship sa isang robot, subalit ang desisyong ito ay umani ng pangungutya mula sa mga netizen at social media user dahil lumilitaw na magkakaroon ng mas maraming karapatan ang robot kaysa kababaihan sa nasabing kaharian.
Kitang-kita na pinagmamalaki ni Hanson ang hitsura ng kanyang robot creation, gaya ng paglalarawan niya kay Sophia sa kanyang website:
“Porcelain skin, a slender nose, high cheekbones, an intriguing smile and deeply expressive eyes,” saad sa website gushes.'
Sinasabing dinisenyo ito batay sa hitsura ng sa yumaong aktres na si Audrey Hepburn. Kinapanayam onstage si Sophia onstage sa stilted conversation sa Future Investment Initiative conference.
“I am the latest and greatest robot from Hanson Robotics,” ani Sophia sa panel moderator nasi Andrew Ross Sorkin.
“I feel that people like interacting with me sometimes more than a regular human.”
Sa nasabing pag-uusap, sinabihan ni Sorkin si Sophia na nakatanggap siya ng breaking news na pagkakalooban siya ng citizenship ng kaharian ng Saudi.
“We have a little announcement. We just learned, Sophia—I hope you are listening to me—you have been awarded the first Saudi citizenship for a robot,” pinagbigay-alam ni Sorkin sa espesyal na robot.
“Thank you to the Kingdom of Saudi Arabia."
I am very honored and proud for this unique distinction,” anang Sophia bilang tugon sa balita sa kanya ng moderator.
“It is historic to be the first robot in the world to be recognized with citizenship.”
Kinumpirma naman ang announcement sa opisyal na pahayag ng Culture and Information Ministry ng Saudi Arabia. Dangan nga lang ay hindi na tumugon ang ministry sa katanungan ng DW ukol sa mga benepisyong ibibigay kay Sophia.
Binibigyan ng malalaking halaga ang mga Saudi citizen kada taon bilang bahagi ng oil revenue ng kahairan subalit pambihirang binibigyan ng citizenship ang mga dayuhan at lalo na sa mga migranteng manggagawa na nagpupunta rito para magtrabaho.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento