Bangkok, Thailand- Isang resto sa northwest suburb ng Adelaide ang
tumanggi noon sa isang bulag na lalaki na pumasok sa kanilang resto. Ang
dahilan, ang alagang aso umano nito ay bakla. Inutusan naman ng Equal
Opportunity Tribunal na bayaran siya ng $1500 dolyar.
Sa ulat ng The (Adelaide) Sunday Mail, ang naturang
kelot ay si Ian Jolly, 57-anyos ay
hindi nga pinapasok para mag-dine in sa Thai Spice restaurant pagkatapos na ang
isang staff member ay napagkamalang bading ang kanyang asong si Nudge. Batay sa
statement na ipinahayag ng mga may-ari ng resto na sina Hong Hoa Thi at Anh
Hoang Le ay isa sa mga waiters ng resto ang nagsabing ang kasama ni ginoong
Jolly na si Bb. Chris Lawrence ay sinabing gusto niyang dalhin ang isang gay
dog sa loob ng naturang resto.
Sa kabila na may plakang “Guide Dog’s Welcome sign”
sa pintuan ng naturang resto, hindi pinaunlakan ang dalawa. Ito nga ay dahil sa
akala ng staff doon na si Nudge ay isang ordinaryong pet dog na naging dyokla
batay sa ipinahayag nito sa isang hearing.
Sa concialition hearing sa Equal Opportunity
Tribunal nitong nakaraang Biyernes, pumayag ang resto na gumawa ng apology
letter kay Gng. Jolly at bayaran ng $1500 dolyar ang kelot. Sasailalim din ang
buong staff ng resto sa Equal Opportunity education course. Masaya naman sa
naging resulta ng hearing si Mr. Jolly. Ang nakakahiyang karanasan na iyon ay
nagbigay sa kanya ng kawalang ganang kumain sa mga restaurants. Natatakot na
rin siyang lumabas-labas.
“Nais kong maging gaya ng iba na maaaring lumabas
para kumain, ang mapag-isa at kumain na masaya sa aking meal,” ani
ng bulag.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento