Noon pa man
ay hinuhulaan na ng mga kinauukulan ang katapusan ng mundo. Sapol pa noong
unang siglo ay hinulaan na ng ilan ang magaganap na katapusan ng daigdig. Pero,
nangyari ba? Hindi. Pero, ito ay may kinalaman lamang sa pagbabagong nagaganap
sa singsing ng planetang Saturn na nagdudulot ng masamang kaganapan sa earth.
Ang mga
awtoridad kasi na mga ito ay naghahayag ng propesihiya upang ituring silang
magagaling. Ngayon, ating tatalakayin ang mga ilang propesihiya na pumalpak at
mga pangyayari sa kasaysayan na inakala ng iba na siya na ngang katapusan ng
daigdig. Nagkataon naman na ang pinagbabasehan nilang pagbabago sa kalawakan ay
nagkaroon ng kaugnayan sa earth sa paraang negatibo. Sa loob ng pag-aaral sa
mahigit 600 taon, ang teorya sa Saturn’s
Ring kaugnay pa ng ilang kaganapan sa kalawakan ay naging batas na ng ilang
manghuhula gaya ni Nostradamus.
Great Fire of London- Ilang Kristiyanong
Europeans ang hinarap ang taong 1666 na hinaluan ng trepidation sa Biblia na
666. Nasaksihan ng mga taga-London ang naturang kaganapan na akala nila ay
katapusan na nila ang paglabom ng pagkalaki-laking apoy sa kasaysayan ng
lunsod. Akala nila ay iyon na ang parusa ng Diyos sa kanilang mga kasalanan at
ng sangkatauhan.
Haley’s Comet- Ang appearance ng
naturang kometa ay nasasaksihan sa mundo kada-76 taon. Ito ay nagbabadya ng
kalamidad kapag nagdaraan na pinatutunayan na rin ng kasaysayan. Noong 1910,
naniwala ang mga tao particular sa Europa na ang buntot ng Haley ay nagtataglay
ng gas. Maaari umano nitong sirain ang atmospera ng earth at patayin ang lahat
ng nabubuhay sa planeta. Ito ay batay na rin sa hula ng French astronomer na si
Camille Flammarion.
Mga Jehovah’s Winesses- Nang itatag ito noong
taong 1870, ang Saksi ni Jehova (Sa
Estados Unidos) na isang sektang Kristiyano ay hinulaan na ang magwawakas
na ang mundo sa taong 1914. Ito ay batay sa aklat na Apocalypse Delayed: ‘The Story of Jehovah’s Witnesses’.
Pat Robertson- Ang ebangelistang sa telebisyon
na ito ay ipinahayag na ang Panginoong Jesus ay muling magbabalik sa earth
anumang taon sa dekada 80. Ang kaganapan na ito ay tinatawag na Rapture. Ipinangaral ito ni Robertson
at lumabas sa pahayagan (Atlantic).
Comet Hale-Bopp- Ang napakakinang na
kometang ito ay natyuklasan noong taong 1995. Huling nasilayan sa kalawakan
noong 1997. Ang 39 katao na miyembro ng religious group na tinatawag na 'Heaven’s Gate' ay nagpatiwakal sa California nang ang kometa ay nakita
nila sa bumabagtas sa panggabing himpapawid. Pinaniniwalaan ng grupo na ang UFO
na nakasakay sa kometa ang magliligtas sa kanila sa katapusan ng mundo. Inakala
ng mga members na kontrolado na ni Lucifer ang mundo at ang mga tao ay
nakatakda nang maglaho sa apoy.
Ang
Year 2000- Noong
1984, ang computer-trade publication ay nauna nang nagbabala ng trahedya o catalism sa
pagtuntong ng Enero 1, 2000. Iniulat ng Wall Street Journal na kapag ang bug na
sanhi ng calculation error ay magpapatengga sa mga computers at ilang machines
ay magdudulot ng pagkabalisa ng mga tao. Sa kolum ay nakasaad din kung papaano
bumili ng anti- Y2K amulet at lifesaving Y2K-repair tools.
Ang mga mangangaral ay
nagrekomenda sa kanilang mga taga-sunod na mag-imbak na ng pagkain at maghanda
sa parating na kalamidad na sina Jerry
Falwell at Pat Robertson ayon sa
ulat ng Washington Post. Anila, ang pagpalo ng bagong milenyo ay siya naman
pagbabalik umano ng Panginoong Jesucristo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento