Nagpasiklap ng kanilang pinalakas na line-up ang
Los Angeles Lakers sa NBA 2019-2020 Pre season game. Sa kanilang pagdayo sa San
Francisco, California, minasaker ng Lakers ang Golden State Warriors sa iskor
na 123-101.
Nagtulong-tulong ang mga bagong salta sa pinalakas na line-up ng
Lakers sina Anthony Davis at Dwight Howard na naging halimaw sa ilalim, anupa’t
bibihirang maka-rebound ang Warriors. Sa simula pa lamang ng regulasyon,
tinambakan na agad ng tropa ni LeBron James ang tropa ni Stephen Cury. Kaya
naman, nakita sa kanyang kinauupuan si Warriors coach Steve Kerr na
iiling-iling. Samantalang si Lakers coach Frank Vogel naman ay nakangiti.
Ibig sabihin, may nakikita siyang problema sa koponan niya
kapag sumapit na ang regular season. Lumakas na kasi ang ibang koponan sa
western conference. Kaya, batid ng ilan na mahihirapan ang Warriors na maging
numero uno sa West. Ika nga ni dating NBA player Chris Webb, hindi kasama sa
kanyang listahan ang GSW na makapapasok sa 2019-2020 playoffs.
“I’m excited about what
we can be, we got a little bit of a taste of it tonight,” ani Vogel . “[Davis]
is a monster. It’s going be very difficult to slow him down with what we have
around him. I’m excited about what he’s going to do and Lakers fans should be
too.”
“Laker Nation, I just
watched LeBron and Anthony Davis put on a show in the 1st quarter of the Lakers
vs. Warriors exhibition game. Watch out rest of the NBA!” ani Magic Johnson sa
kanyang social media account.
“I think LeBron is
going to average close to a triple double this season. His passing was on point
and Anthony Davis was dominant in that 1st quarter,’ aniya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento