Lumaktaw sa pangunahing content

'ANG UMAAPOY NA KAMBING SA LUYANG' ( The Blazing Goat in Luyang)

Patuloy na maglalahad ang blog na ito ng mga kataka-takang pangyayari sa ating daigdig, na hinango sa salaysay ng mga ating nakapanayam. Ating ilalahad naman ngayon ang karanasan ni Mr. Rosal Tanyo ng Albay, isang securiry guard sa The One Executive Building sa Delta Lungsod ng Quezon.

Kuwento ni Rosal, noong siya ay 16-anyos, nagtungo ang kanyang pamilya sa Catanduanes. Nang magawi sila  malapit sa Luyang Cave, na matatagpuan sa San Andres ( dating Cabolbon) sa bayan ng Virac, nagpasama si Rosal sa mga taga-roon na tinatawag na Binanhawahan upang mamasyal. Ang tunay na pakay ng binatilyo noon na si Rosal ay maghanap ng ibon gaya ng tarat at gagamba upang alagaan. 

Nang ihatid ng isang Binanhawahan malapit sa kuweba, naghanap doon si Rosal sa mga tatalhiban at mga damuhan ng gagambang bulik. Dahil sa nawili sa pamamasyal, inabot ang binatilyo ng takipsilim. Bandang alas sais ng gabi, nakakita si Rosal ng isang kambing na kulay itim na lumabas mula sa yungib. 

Nagtaka siya kung bakit nagkaroon doon ng kambing. Dala ng kuryusidad, sinundan niya ang kambing dahil sa pag-aakalang naliligaw ito o napawalay sa kawan. Maliksi at mailap ang kambing. nang magawei ang kambing sa madilim na bahagi sa kakahuyan, biglang nakakita si Rosal ng isang santilmo at bumagsak malapit sa kinaroroonan ng kambing. Laking gulat na lamang ng binatilyo nang makitang tumatakbo ang kambing na nagliliyab pero di ito napapaso. 

"Parang dagundong ng kulog ang yabag ng kambing na iyon--- na habang papalayo sa aking paningin ay lalong lumalaki. Sa tantiya ko, lumaki ang kambing na iyon hanggang 8 talampakan sa pagkakatayo at nakita kong pumasok ito sa isang butas o hole na umaapoy din sa palibot. Bagama't nawili ako at namangha, kinilabutan ako pagkatapos nun dahil noong ikinuwento ko iyon sa aking mga kaanak, wala umano silang nakitang ganung kambing--- ni kahit ang mga taga- Binanhawahan," pahayag ni Rosal. 

Ngayon, ano ang paliwanag dito ng mga matatandang taga-Binanhawahan sa nakita ni Rosal? Ano ang bumabalot na misteryo tungkol sa umaapoy na kambing na sabi ng ilan doon ay namamataan noon pang ika-18 siglo? Bagama't iginiit ni Rosal na talagang umaapoy na kambing ang kanyang nakita, may paliwanag naman dito ang tubong taga- San Andres na si Ginoong Armando Maluoy, 74-anyos kung bakit nakakakita ang iba ngnaturang hayop. Aniya sa isang panayam,

"Walang misteryo tungkol sa umaapoy na kambing. Kung meron man, tao rin ang may gawa. Noong 14-anyos ako, may isang ritwal sa aming barangay na kapag may kaarawan ang isang matanda na lumagpas na saedad na 84-anyos, kinaugalian na magkatay ng kambing upang lutuin. Bago katayain ang isang kambing, bubuhusan ito ng gasolina o gas at sisindihan. Kung kaya, nagliliyab na ang kambing na tumatakbo. May abay o tumitingin dito kung saan pupunta. Sa gayun, kapag nalagutan na ng hininga, makukuhang muli angkambing at tuluyan nang lilitsunin."

"Ginagawa ito sa paniniwala ng mga taga-Banhawahan na ito ay nagtataboy ng masasamang espiritu at binibigyan ng proteksiyon ang magdaraos ng kaarawan. Gayunman, noong dekada 70, itinigil na ang ganitong kakatwang ritwal dahil sa masaklap na kinasasapitan ng kambing--- na nagbibigay sa iba ng impresyon namay gayun ngang nilalang. Inaakala pa nga ng iba na ito ay isang premonisyon ng masamang espiritu. Kung may nakita man si Rosal na gayun, gaya ng kanyang inilahad noong Abril 1996, baka may nagtrip lang na magsagawa ng gayung ritwal at napadpad lang ang kambing sa kuweba ng Luyang, kung kaya nakita ito ng binatilyo noon na si Rosal."

"Ang ritwal ng umaapoy na kambing ay bawal na. Kung meron man, ginagawa ito sa liblib na lugar upang walang makakita. Kung minsan, ginagawa ito ng iba upang protektahan ang kuweba laban sa mga nagkakalat at nagsasagawa ng kalokohan malapit sa kuweba lalo na ang mga dayo," dugtong pa ni Manong Arman. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG REAL-LIFE HANAMICHI SAKURAGI

Marahil batid ng ilan sa atin lalo na ang mga basketball fans kung sino si Hanamichi Sakuragi . Siya lang naman ang pinakabida sa basketball anime na Slam Dunk . Siya ang pinakasikat sa Shohoku Team at tinaguriang ‘ Henyo’ at ‘Hari ng Rebound’ .  Kung lilimiing mabuti, maaasahan talaga sa rebound si Sakuragi at magaling din sa depensa. Kapag umopensa naman, siguradong highlights ito dahil ang lupit niyang dumakdak. Pero,alam ba ninyo na ang naturang cartoon character ay talagang umiral sa tunay na buhay.Isang totoong persona. Dahil ang pangalang Hanamichi Sakuragi ay talagang eksistido.   Nang gawing anime ang kanyang buhay ay iniba ang ilan sa mga pangyayari sa kanyang talambuhay. Ang Sakuragi sa tunay na buhay ay ipinanganak sa bansang Japan noong taong 1968 na mula sa simpleng pamilya lamang. Ang kanyang nanay ay pumanaw noong siya’y musmos pa lang. At dahil sa kinalakihan niya na walang kinagisnang ina, nasabak sa basag-ulo si Sakuragi upang may mapagbuhusan ng sa

JAKE, ANG TAONG KALAHATING TAO, KALAHATING BUWAYA

Kagila-gilalas na inihayag ng mga researchers sa naturang pook ang kanilang natuklasan kuno sa isang kakatwang nilalang. Ito kasi ay kalahating-tao at kalahating buwaya. Ito ay may mukha ng tao at may katawan ng tao. Ngunit, pagdating sa ibaba, o kalahati nito, ay gaya ng katawan ng buwaya. Ito umano ay pambihirang pagkatuklas sa larangan ng Zoology sa nakalipas na 200 taon. Ito ay may habang 8 na talampakan ayon kay Dr. Gregory Hickens ng Miami based marine Biologist na gumugol na ng 48 taon sa naturang field. Nadiskubre ng Australian zoologist sa isang infected swamp kasama ang 6 sa kanyang six graduate students. Katulad aniya ito kay “Jake The Alligator Man” sa Longbeach, WA. Hindi nila akalaing totoo ang alamat tungkol sa taong buwaya na bukambibig na ng mga Natchez Indians ilang siglo na ang nakakalipas. Ito umano ang kinatatakutan ng mga mandirigmang Indians na sumisira ng kanilang sasakyang pantubig na canoe. Maging ang mga runaway slaves noong ika-18 dantaon ay

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil sa kakulangan ng supply