Tunay na nakakamangha ang
pagkakaisa ng ilang Indie Pinoy Artists, lalo na s akalipunan ng grupong Filipino Indie Artists (FIA). Ang
nasabing organisasyon ay mabilis na pumainlanlang sa industriya. Sa loob lamang
ng maikling panahon, mula nang matutukan ng mga nasa likod nito ang
pagpapalakas ng kampanya--- tungo sa ikasusulong ng indie music, masasabing
matunog ngayon ang FIA.
Katunayan , may sarili
itong online radio na nakarektang mai-download sa Google Playstore, dumami rin
ang mga miyembro nito ay nasa halos 4,000 na, sunod-sunod ang mga ginaganap na
gig, mayroong nagawang jingle song sa sariling radio nito. Higit sa lahat,
mayroon ring sariling studio na matatagpuan sa Novaliches, Quezon City.
Ang lahat ng ito ay utang
ng mga naniniwala sa adhikain ni FIA pioneer at master Gil Sabado. Bilang pagkilala at pagtanaw ng utang na loob,
pinasasalamatan natin siya sa kanyang ambag sa indie music. Sa kanyang nagdaang
kaarawan, wala man tayong materyal na bagay na maipagkakaloob, sapat na ang
maipanalangin siya upang magkaroon ng lakas, sipag, talino at tiyaga at ibayo
pang tagumpay. Na sana’y lalo pang magtagumpay ang FIA.
Si Gil Sabado ay isang simpleng tao sa kabila ng isang
maipagmamalaking katangian. Nanatiling nakatapak ang mga paa sa lupa--- gaya ng
isang puno ng kawayan. Na habang tumataas ay nakayuko sa lupa. Isang producer,
songwriter, singer, drummer. Nakagawa na rin ng ilang awitin gaya ng Isa Pang Love Song, Pasko Na Naman, Wala, Paalam, Unti-Unti, Dahan-Dahan,
Lumang Kanta, Ok Lang, Smile Ka lang Dyan,Wag
Na Lang Kaya at A Friend In You. Bukod sa kanyang mga awititn, umeere rin
sa FIA Radio ang ilang mga awitin na pwedeng sumabay sa kalidad ng
mainstream--- o mas maganda pa nga sa mga ito.
Tunay na mabuti ang layunin
ni sir Gil sa mga aspiring musicians at kasalukuyang gumagawa na ng pangalan sa
indie scene. Hangad niya na umangat lahat--- at hindi hinihila pababa. Kaya,
hindi na tayo magtataka kung malayo ang mararating ng FIA.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento