Dahil sa kanyang ipinamalas na husay sa pagdaigdigang torneo sa gymnastics, may nagihihintay na biyaya kay Filipino gymnast Carlos Yulo at sa dalawa pang atleta na nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Si Yulo, na bumida sa 49th Artistic Gymnastics World Championships sa Germany nang sungkitin ang gold medal dahil sa pambihirang ritmo at ganda ng kanyang galaw sa men’s exercise category. Kaya naman, mag naghihintay na isang milyong piso kay Yulo sa kanyang pag-uwi bilang cash incentives.
Bukod
kay Yulo, mabibiyayaan din ang female boxer
na si Nesthy Petecio na bumida sa 2019 AIBA Women’s Boxing World
Championship sa idinaos sa Russia. Ayon kay Philippine Sports Commission
chairman William ‘Butch’ Ramirez, makatatanggap si Petecio ng isang milyong
piso. Samantala, ang boksingero namang si Eumir Marcial ay makatatanggap ng
P500,000 dahil sa pagsubi ng silver medal sa 2019 AIBA World Boxing Championships.
Ang
pagkakaloob ng cash incentives sa mga atletanbg nakapagbigay ng karangalan sa
bansa ay nakasalig siya sa Republic Act 10699 o Expanded Incentives Act. Bukod
sa tatlo, mabibiyaan din si pole vaulter na si Ernest John Obiena dahil
tataasan ang allowance nito. Ito ay dahil sa nagkuwalipika si Obiena sa 2020
Tokyo Olympics. Ayon pa kay PSC chairman Butch Ramirez, magkakaroon ng courtesy
call ang mga nabanggit na atleta sa Palasyo ngayong araw ng Miyekules.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento