Ayon sa mga historyador, si Abraham ay nabuhay sa panahon na ang
bansang Ehipto ang siyang Kapangyarihang Pandaigdig hanggang sa pabagsakin ito
ng mga Hiksos o mga Haring pastol 60 taon bago siya mamatay.
Maaaring ang mga pinakatampok na pangyayari sa daigdig noong mga panahon
ni Abraham ay sa pagitan ng ika-1900 hanggang 2000 dantaon B.C o sa simula at
pagwawakas ng siglong iyon. (papalo sa 1900 B.C hanggang 1837 B.C.) Ang ilang nakatalang
petsa ay pagtatantiya lamang kung kailan nangyari ang mga naturang kaganapan. Ang
iba naman ay di tiyak kung kailan ang saktong petsa.
Ngunit, ang ilan ay sinasabi ng iskolar na tumpak. Narito ang ilan sa mga pangyayari.
- Noong ika-19 siglo (o 1800 B.C) o mga 2000 taon bago isilang ang
Panginoong Hesukristo, nagsimula ang Iron Age sa China pagkatapos ng Bronze
Age.
Ang emperor na si Yu ay namuno sa China noong 2205 B.C at nagpasiluna ng
dinastiyang Xia. Namamayapag ang naturang dinastiya Xia mula 2205 hanggang 1766
B.C.
- Sa panahon ng dinastiyang ito na ito isinilang si Abraham noong 2012 B.C.
Ayon sa masusing pag-aaral ng mga historians at mga Bible scholars ito ang
petsa ng tiyak na kapanganakan ng naturang patriyarka.
- Pumalit sa kanyang pamumuno ang mga emperor na sina Qi, at Taikang (namuno
mula 2002 B.C hanggang 1947 B.C). Nang mga panahong iyon (1947 B.C) ay 65 anyos
na si Abraham. Sinasabing noong taong 1937 B.C tinawag ng Diyos si Abraham, sa
edad na 75-anyos at pinalipat sa lupain ng Canaan pagkatapos na mamatay ang Ama
nitong si Terah sa gulang na 205 taong gulang.
- Isinilang ni Hagar, (isang babaeng taga-Ehipto) na alipin ni Sara si
Ismael noong taong 1926 B.C. Ibinigay ni Sara si Hagar kay Abraham upang
sipingan nang sa gayun ay magkaanak siya sa pamamagitan ng babaeng alipin. May
86 taong gulang na noon si Abraham.
- Nagwakas naman ang pamumuno nina Zhong Kang, Xiang, Shao Kang, at Zhu ng dinastiyang Xia noong taong 1906 B.C.
May 101 taong gulang na noon si Abraham at 1 taong gulang na si Isaac. Samantalang
si Ismael ay may 13-taong gulang na noong mga panahong iyon.
- Sa kantandaan naman ni Abraham namuno ang mga emperor na sina Zhui, Huai
at Xia Mang (1900 B.C hanggang 1850 B.C). Nang sa kasagsagan naman ng pamumuno
ng emperor na si Xia Xie noong 1849 B.C hanggang 1841 B.C ay may 171 taong
gulang na noon si Abraham. Si Isaac naman ay 60 anyos na (1841 B.C). amatay si
Abraham sa gulang na 175 noong taong 1837 B.C
- Naimbento ng mga Sumerians (o mga
Caldeo) ang zodiac sign noong 2000 B.C. Naging tanyag ang paggamit nito bilang
sanggunian ng kapalaran noong1800 B.C Tanyag na zodiac noong mga panahong ito
ang simbolo ng tupa o Aries sapagkat pagpapastol ang karaniwang kabuhayan ng
mga tao noon. Tinatawag ang ika- 19 siglo o ika-18 dantaong B.C na ‘The Age of Aries’ na nagwakas noong
360 A.D.
Naghahari rin sa panahong ito ang mga Hiksos o haring pastol. Edad 105
taong gulang noong mga panahong ito si Abraham.
- Ang mga Neolithic farmers mula sa hilagang silangan ng rehiyong Fertile
Crescent (marahil ay nasa timugang rehiyon ng bansang Turkey) ayon sa mga
iskolar) ay naglakbay at nakarating sa bansang Denmark at Norway at doon na
nanirahan. Doon ay ipinakilala o ginamit ng mga tao ang metal na tanso. Sila ay sinasabing mga descendant o mga inapo
ni Noe sa pamagitan ni Gomer na anak ni Japhet (ikalawang anak na lalaki ni Noe).
- Ang bansang Ehipto ang pinaka-makapangyarihang sibilisasyon ng Matandang
Daigdig. Sinusundan ito ng mga Caldeo o ng mga taga- Mesopotamia. Sa panahong
ding ito uminog ang huling pamamayagpag ng tanso (Late Bronze Age) bilang
pinakamahalagang metal noong mga panahong iyon.
- Saktong 1800 dantaon B.C, inabandona ng mga tao mga sinaunang naninirahan
sa bansang Pakistan ang Mohendro-daro o ang largest city-settlements sa Indus
Valley Civilization na ginawa noong 2600 B.C.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento