Sa wakas, muling magre-release ng isang matikas at nakakakiliting single ang grupong ‘Tamales’ Department. Sa pagkakataon ito, dalawang kanta ang inilbas at ilalabas pa, pati ang music video. Kung saan, ka-collab nila ang Chairman ng Beatols Brotherhood na si Melrom, Azquire.
Ito ay ang kantang ‘Buksan Mo’ at ‘ Uwian Na’ ( Urong-Sulong). Ang unang kanta ay pinrudyos ni Beatols Melrom at ang Uwian Na ay siya ang nagsulat ng liriko at nagprodyus. Katunayan, may music video na ang ‘Buksan Mo’ na mapapanood na sa kanilang Facebook Page at You Tube Channel. Ang grupong Tamales ang nasa likod ng mga awiting: 1-4-3 Mahal, Tameme, Ang Buhay Ay, Beer is the Answer at Gulay. Sila ay binubuo nina Glenmore aka ‘Gulayat’ at Jitakuto ( vocals, lyricist, guitar), Igart Bartolome ( drums/ percussionist), Ruel Madeja (Bass/ guitar), Abet Cabia (bass), Jomar Salandana ( keyboard) at Joseph Tanala ( lead guitar).
MGA AWITING INDIE, TULOY-TULOY SA PAGLAKAS
Sa mga nagdaang mga araw--- kung pipihitin mo ang mga bigating istasyon ng radyo, lalo na sa FM station, magugulat ang isa--- bakit hindi niya alam ang kanta. Hindi rin pamilyar sa kanya ang boses ng kumakanta. Pero, nagagandahan siya. Dahil nga sa gusto niya ang kanta, ang kuryusidad ang nagtutulak sa kanya upang saliksikin kung ano ang pamagat ng kanta at kung sino ang kumanta nun. Hanggang sa madikubre niya, ah--- indie song pala ang napakinggan niya at isang indie artists ang kumanta nun.
Doon na nagsisimula ang pagkahumaling ng ilan o mas dumarami pa ngang indibidwal na nakikinig na sa mga kanta mula sa indie music. Salamat at may mga istasyon ng radyo na nagpapatugtog nito, sa gayun ay mabigyan ng pagkakataon at break ang isang singer-composer na marinig ang kanyang obrang kanta.
Salamat at may Filipino Indie Artists (FIA) Radio, Radio Pilipinas, Cultured Mind Pinoy Indie Radio ( CMPIR) Pinas FM 95.5 at iba pang online radio na tumutulong sa mga musikerong indie. At dahil nga sa ganitong peg, may ilang kanta ang kahit papaano ay nakikilala na.
Aminin man o hindi, nakatutuwang lumakas ang pagsipa ng mga kantang indie. Napakasarap sa pakiramdam nito. Ika nga ng isang manunulat ng kanta, hindi baleng hindi siya sumikat ng husto, basta papalo o sisikat ang kanta niya. May ganyan ang kaisipan. Pero, kasama siya sa paghatak ng kanyang kanta kapag sumikat.
Kung kaya, sa mga playlist ng mga kanta ng ilang indibidwal sa kanilang PC at cellphone, may mga kantang indie songs. Patunay na lumalakas na ang impact ng indie songs at nagugustuhan na talaga ng ilan, lalo na ang ilang kolehiyala at iba pang bagets. Minsan, sa isang klarinderya, nagpatugtog tayo ng ilang kanta at maganda ang feedback ng mga nakaririnig
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento