Lumaktaw sa pangunahing content

‘BEAUTIFUL KAPUSO FEMALE STARS’ OF 2019

Bilang isang blogger, nagkakaroon din ako ng mga reviews sa iba’t-ibang bagay o salik. Kagaya sa enterntainment. May nagsuggest sa akin at nagtanong tungkol sa mga beauties.


Tanongng isang,kakilala ko,

“Tol, sinu-sino ang mga paborito mong Kapuso female celebrities?”

“Kanino ka nagagandahan? ‘Yung malakas ang dating sa iyo?”

Dahil madali lang naman ang tanong niya. Sasagutin ko na at ipopost dito sa aking blog. Bale ‘yung mga pinili ko ‘e yung talagang nagagandahan ako sa kanila. Sa akin lang naman iyon. Ewan ko sa iba. May kanya-kanya kasi tayong taste, di ba? Ika nga ‘Beauty is in eye of the beholder”.

Maaaring ang bet ko ‘e hindi swak sa iba. O baka ‘yung bet ‘yo ‘e pareho tayo ng taste. Buweno mga folks, narito na po ang pasok sa aking list ng mgaBeautiful Kapuso Female Stars’ ng taong 2019.

In not particular order:

MIKEE QUINTOS

( Recent Kapuso shows: Encantadia (2016) Alyas Robin Hood,'O Nanay (2019), Studio 7, The Gift  (2019)

Gusto ko yung beauty ni Mikee na mukhang maamo. Inosente ang aura at arrive. Saka yung dimples niya. Sa unang tingin, para siyang batang Alma Moreno.
(Photo Credit: Pinoy Exchange.com/ Mikee Quintos Twitter account photo)

SANYA LOPEZ

( Kapuso Shows: Dormitoryo, Encantadia, The Millionaire's Wife,  Half Sisters, Haplos, Cain at Abel, Dahil sa Pag-ibig)

Napood ko si Sanya sa palabas na 'Half Sisters' bilang sidekick at friend ni Barbie Forteza, Kako, may dating itong babaeng ito. Tama nga ang hinala ko dahil nabigyan siya ng break. Malakas din ang dating sa akin ni Sanya na may pagka-tsinita look. 

(Photo Credit: Sanya Lopez FB Page)


GABBI GARCIA 

Kapuso Shows: My Dentiny, Naku, Boss Ko! Sherlock Jr. ,Instadad Pamilya Roces,  Beautiful Justice)

Malakas din ang dating ni Gabbi at nagagandahan ako sa kanya. 

(Photo Credit: Jason Delos Reyes)

KIM DOMINGO

Kapuso Shows:  Meant To Be, Bubble Gang, Toda One I Love, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko)

Sino ba naman ang hindi maaakit sa bagong 'Pantasya ng Bayan'. Bukod sa matangkad na babae na, maganda pa. Iyon ang asset ni Kim. 

(Photo Credit: Village People)

KYLIE PADILLA

( Kapuso shows:Joaquin Bordado, Dwarfina, Blusang Itim, The Good Daughter, Buena Familia, Engcantadia, The Cure, To The One I Love)

Isa sa masasabi kong da best na nagtataglay ng tsinita look si Kylie, daughter of action star Robin ' Binoe' Padilla. Bukod sa maganda at seksi, kahit mommy na siya, athletic din si Kylie dahil nagdyi-gym siya. 

(Photo Credit: P. Journal)

JENNYLYN MERCADO

( Kapuso shows: Engcantadia, Captain Barbell, Indio, Makapiling kang Muli, Rhodora X, Second Change, My Love From The Star, The Cure, Love You Too, Descendant of the Sun) 

Hindi maikakailang isa si Jennylyn sa masasabing 'hot mama' dahil kahit may anak na, alaga niya pa rin ang figure niya. Iyon ang asset niya kaya in-demand pa rin siya. Isa siya sa bibida sa upcoming Philippine adaptation ng Korean series na " Descendants of the Sun' kasama si Dingdong Dantes. 

(Photo Credit: rmn.ph)


MAINE MENDOZA

Kapuso Shows: Eat Bulaga, Destined to be Loved Daddy's Gurl, 

Sumikat muna si Maine sa internet dahil sa kanyang kwelang videos na pagda-dubbed smash. Nagkaroon ng maraming followers sa social media. Nang mag-audition sa Eat Bulaga, doon na lalong pumainlanlang ang kanyang career lalo na ng isalang sa teleserye bilang 'Yaya Dub' na itinambal kay Alden Richards. 

(Photo Credit: Maine Mendoza Instragram @ mainedcm IG)

ANALYN BARRO

Kapuso shows: Bubble Gang, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, Asawa Ko, Karibal Ko, Sherlock Jr. My Love from the Star, Tsuperhero, Oh My Mama, Once Again)

Masasabi kong si Analyn ang bagong 'crush ng Nbayan' dahil sa kanyang malakas na appeal. Nasubaybayan ko rin si Analyn sa Starstruck Season 6. Siya ang isa sa rason kung bakit pinanonood ko ang Bubble Gang. 



KLEA PINEDA

( Kapuso Shows: Ikalimang Utos)

Malakas ang dating sa akin ni Klea na pwedeng pang-beauty queen ang arrive. Una ko siyang nasilayan sa Starstruck Season 6 at siya ang bet ko noon na manalo bilang "Female Ultimate Survivor". 

( Photo Credit: Klea Pineda Twitter photo)



SOPHIE ALBERT

( Kapuso Shows: Pamilya Roces, Bihag)

Si Sophie ay napanood ko noon sa isang talent search sa singko. Kalaunan, lumipat siya sa Kapuso. Type ko ang aura ni Sophie na medyo tsinita at matangkad.


(Photo Credit: itssophiealbert IG)



SHAIRA DIAZ

( Kapuso Shows: Contessa, Pamilya Roces, Love You Too)

Si Shaira ay kasabayan ni Sophie sa isang talent search sa singko. Napansin ko na ang ganda niya. Para siyang may halong Indian at gusto ko ang charming at cheerful face niya. Kaya pasok siya sa ating list. 






Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

FIA RADIO, SANDALAN NG MGA INDIE ARTISTS

Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon  sa  mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig  sa  music ang kanta mula  sa  indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie.  Sa  katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog  sa  kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin. Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain  sa  mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins  sa  nabanggit d...

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)

Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang  Zionchillers , hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama  sa  kanilang EP  Album  na  “Silver Silver Fantasy” .  Pero, dahil  sa  pagpupunyari,  sa  wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album. Sa  ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019  sa  digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo  sa  achievement na kanilang natamo. “ Una, nagpapasalamat tayo  sa  Panginoong Diyos dahil  sa  tagumpay na ibinigay Niya  sa  amin.  Sa  lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanill...