Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, literal at espirituwal.
Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.
Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?
May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf.
Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil sa kakulangan ng supply ng tubig para sa irigasyon sa mga pananim at tubig na inumin. Ang tagtuyot sa bansang Syria at Turkey ay nakaapekto sa pagkatuyot ng ilog.
Gumawa noong ng sariling dam ang bansang Turkey sa ilog Eufrates na Keban dam at Tabqa dam naman sa Syria. Sa loob ng isang taon, ang 2 bansa ay nagsagawa ng karapatan sa pagbabahagi ng supply ng tubig na sinimulan noong taong 1975.
Nang taon ding iyon, nagkaroon ng matinding tagtuyot sa naturang rehiyon at ang tubig na dumadaloy sa Iraq ay binawasan ng 15.3 cubic kilometers. Naging daan ito sa international crisis na kung saan ay binantaan ng Iraq na bobombahin ang Tabqa dam. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Iraq at Syria pagkatapos na makialam ang bansang Saudi Arabia at ng Unyong Sobyet.
Noong 1981, nagpadagdag ng supply ng agos ng tubig mula sa naturang ilog ang bansang Turkey sa Keban dam kung saan ay napataas nito ang produksiyon ng bansa sa hydroelectricity.
Noong 1984, nagpahayag ng one sided na pahayag ang Turkey na siguraduhing ang nakukuhang supply na daloy ng tubig at dapat na 500 cubic meters kada segundo o 16 cubic kilometers kada taon sa Syria. At noong 1987, ang bilateral agreement sa pagitan ng Syria at Iraq ay napagkasunduan na ang amount ng tubig na dadaloy sa Iraq ay dapat 60 porsiyento.
Ang supply na dami ng tubig na ito ay siya ring porsiyentong natatanggap ng Syria sa Turkey.
Ang espirituwal na katuparan nito ay lumalarawan ang naturang ilog sa isang malaking denomination ng isang relihiyon sa daigdig na tinatawag ding “The Great City of Babylon”.
Natuyot ang ang naturang relihiyon sa espirituwal na pagtataguyod sa mga miyembro nito. Ang mga sinasabing mga hari sa silangan ay hindi literal na hari, kundi mga miyembro ng isang dakilang relihiyon na pinili mula sa sikatan ng araw sa panahon ng “Mga Wakas ng Lupa” o sa panahong malapit na ang katapusan ng mundo.
Gandang article.
TumugonBurahin