Lumaktaw sa pangunahing content

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES




















Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, literal at espirituwal. 


 Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo. 


 Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito? 

May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil sa kakulangan ng supply ng tubig para sa irigasyon sa mga pananim at tubig na inumin. Ang tagtuyot sa bansang Syria at Turkey ay nakaapekto sa pagkatuyot ng ilog. 


Gumawa noong ng sariling dam ang bansang Turkey sa ilog Eufrates na Keban dam at Tabqa dam naman sa Syria. Sa loob ng isang taon, ang 2 bansa ay nagsagawa ng karapatan sa pagbabahagi ng supply ng tubig na sinimulan noong taong 1975. 

Nang taon ding iyon, nagkaroon ng matinding tagtuyot sa naturang rehiyon at ang tubig na dumadaloy sa Iraq ay binawasan ng 15.3 cubic kilometers. Naging daan ito sa international crisis na kung saan ay binantaan ng Iraq na bobombahin ang Tabqa dam. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Iraq at Syria pagkatapos na makialam ang bansang Saudi Arabia at ng Unyong Sobyet. 




Noong 1981, nagpadagdag ng supply ng agos ng tubig mula sa naturang ilog ang bansang Turkey sa Keban dam kung saan ay napataas nito ang produksiyon ng bansa sa hydroelectricity. Noong 1984, nagpahayag ng one sided na pahayag ang Turkey na siguraduhing ang nakukuhang supply na daloy ng tubig at dapat na 500 cubic meters kada segundo o 16 cubic kilometers kada taon sa Syria. At noong 1987, ang bilateral agreement sa pagitan ng Syria at Iraq ay napagkasunduan na ang amount ng tubig na dadaloy sa Iraq ay dapat 60 porsiyento. 

Ang supply na dami ng tubig na ito ay siya ring porsiyentong natatanggap ng Syria sa Turkey. Ang espirituwal na katuparan nito ay lumalarawan ang naturang ilog sa isang malaking denomination ng isang relihiyon sa daigdig na tinatawag ding “The Great City of Babylon”

Natuyot ang ang naturang relihiyon sa espirituwal na pagtataguyod sa mga miyembro nito. Ang mga sinasabing mga hari sa silangan ay hindi literal na hari, kundi mga miyembro ng isang dakilang relihiyon na pinili mula sa sikatan ng araw sa panahon ng “Mga Wakas ng Lupa” o sa panahong malapit na ang katapusan ng mundo.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bulag na nais kumain sa isang resto, HINDI PINAPASOK DAHIL SA BAKLA UMANO NITONG ASO

Bangkok, Thailand - Isang resto sa northwest suburb ng Adelaide ang tumanggi noon sa isang bulag na lalaki na pumasok sa kanilang resto. Ang dahilan, ang alagang aso umano nito ay bakla. Inutusan naman ng Equal Opportunity Tribunal na bayaran siya ng $1500 dolyar. Sa ulat ng The (Adelaide) Sunday Mail, ang naturang kelot ay si Ian Jolly , 57-anyos ay hindi nga pinapasok para mag-dine in sa Thai Spice restaurant pagkatapos na ang isang staff member ay napagkamalang bading ang kanyang asong si Nudge. Batay sa statement na ipinahayag ng mga may-ari ng resto na sina Hong Hoa Thi at Anh Hoang Le ay isa sa mga waiters ng resto ang nagsabing ang kasama ni ginoong Jolly na si Bb. Chris Lawrence ay sinabing gusto niyang dalhin ang isang gay dog sa loob ng naturang resto. Sa kabila na may plakang “Guide Dog’s Welcome sign ” sa pintuan ng naturang resto, hindi pinaunlakan ang dalawa. Ito nga ay dahil sa akala ng staff doon na si Nudge ay isang ordinaryong pet dog na naging dyokla ...

MGA LIHIM SA PLANETANG SATURN

Ang planetang Saturn ay siyang planeta sa ating sistemang solar na may singsing sa palibot nito. Kaya naman, ipinagtataka noon ng mga nagdaang astronomo kung bakit ito lamang ang planeta na may singsing sa palibot. At ang matindi, ito ay parang mga string ng gitara na nahilira sa isang mas malaking ring. Ngunit, nitong mga nagdaang dekada, natuklasan na rin sa planetang Jupiter, Uranus, at Neptune na may singsing din. Pero, mas angta ang ganda ng Saturn kumpara rito. Noong 1610 , pagkatapos na ma-diskubre ni Galileo Galilei ang planetang Jupiter gamit ang sariling imbentong teleskopyo, pagpihit niya nito sa bandang tinugan ay natuklasan niya ang pambihirang planeta. Namangha si Galileo. Aniya, walang kagayang planeta sa taglay na kagandahan ng Saturn dahil sa singsing nito. Sa pag-unlad pa ng ika-17 siglo sa larangan ng optics, mas lalong naging detalyado pa ang hitsura ng naturang planeta kapag tiningnan sa teleskopyo. Ninais ni Galileo na sabihin sa bawat tao ang kan...