Lumaktaw sa pangunahing content

NOEL BERNALDO ( Paglaot at Paglipad sa Larangan ng Musika) Last Part

Singles and Releases: Kape, Pinoy
“ Parang ang sarap ng work nila enjoy lang.We enjoy music in highs chool. Pero, sabi ng nanay ko, mahirap makaraos ng pamilya ang banda; although she supports me. Pero, kung mauubos ang oras ko sa pagtugtog lang ng gitara, ‘e wala akong matatapos.”
“ Deep inside, nagkaroon ako ng struggle--- its either find your premanent work o tumugtog.Pinilit kong mag-aral. Naging iskolar ako ng bayan. Nagkahiwalay na rin kami ng mga barkada ko nung high school.
“ Nagsimula ako lumikha ng kanta; dahil eto na lang ang paraan para mailabas ko ang lungkot ko at passion ko. Isinulat ko ang "Kailan Lang" at tuwing nai-inlove naman ako, halos makasulat ako ng 10 kanta.Naaalala ko nun yung GF ko dahil wala naman akong pera pang regalo--- ‘e nirerecord ko yung mga songs sa tape. Para lang patunayan sa kanya na mahal ko siya.”
“Tuwang-tuwa naman siya, isang album ba naman kinanta ko. Nagpatuloy sa iba ko pang naging GF at crushes. Naalala ko nga nung college ako, marami rin ako pinakilig dahil sa mga original songs ko. Theme song nga naming magkakaklase ‘e yung sinulat kong kantang "Crushmate". Sumusulat din ako tungkol sa kalikasan coz I’m aware sa kapaligiran.Naka-graduate ako ng pagiging teacher. Sabi ko, may pera na ko. Kaya ko ng bumili ng mga instruments. After 14 years, nagkita kami ulit ni Ely kamustahan may instruments na rin sya sa bahay n’ya. 
Nagtagumpay na rin siya sa buhay.Sabi nya, “pare buo tayo ng banda”. Sagot ko, “matatanda na tayo.” Sabi niya sakin "walang tumatanda sa rock and roll".  Taong 2008, na-reunite kami. Bumuo kami ng banda gig sa kasalan,binyagan, concert sa mga schools. Malupit siyang gitarista ( lead guitarist)  at tulong din kami sa pagsusulat ng kanta.Bbut after 3 years, namatay siya sa sakit.Nalungkot ako, kasi naiwan ang mga pangarap. Pero, pinilit kong itinuloy. Bumuo pa rin ako ng banda at tuloy tuloy lang sa paggawa ng kanta.Isa kasi sa binitawan niyang salita sakin "wag kang huminto sa pagsusulat." 
"I continue my passion sumulat ako ng "mga pambatang awitin. Ginamit ko yung talent ko para makapag-share sa school. Sumulat ako ng "Guro ng San Jose Del Monte" "Brigada Eskwela".
“ I founded a band, kahit namatay ang barkada ko. Pero, hindi ko matagpuan yung sarili ko sa kanila. Ayaw kasi nila sumama sa akin na sumugal bilang independent artist. Sa Manila, wala raw kasing pera sa pinaggagawa ko. Di tulad ng mga covers at kapag nakapuwesto ka sa mga bar ‘e may kita ka na gabi gabi.”
“I dont listen to them gusto ko marinig ng ibang tao ang mga nilikha kong awitin. ‘E ano kung hindi kumita? Public school teacher naman ako. May permanenteng trabaho at kita. Kaya ‘eto ngayun nakikipagbuno sa traffic. Pupunta sa open mic at tutugtog kahit exposure--- lang ayus na.Naghahanap na matatalisod na mag-mamanager. ‘Yan ang buhay indie.Sabi ko sa asawa ko, “hayaan mo lang ako sa ginagawa ko. Nag-eenjoy naman ako dito.” Masaya ako sa grupo ng mga indie. Natagpuan ko ang mga kaibigan na nakakaunawa sa passion ko. Wala pa akong nae-encounter na mayabang. Lahat tanggap ako.Kaya magpapatuloy ako para sa passion ko at para sa legacy ko.Balang araw, maaalala ng mga anak ko at mga apo--- na may isang Noel Bernaldo silang ancestor. Na tunay na may pagmamahal sa sining ng musika.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

FIA RADIO, SANDALAN NG MGA INDIE ARTISTS

Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon  sa  mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig  sa  music ang kanta mula  sa  indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie.  Sa  katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog  sa  kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin. Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain  sa  mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins  sa  nabanggit d...

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)

Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang  Zionchillers , hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama  sa  kanilang EP  Album  na  “Silver Silver Fantasy” .  Pero, dahil  sa  pagpupunyari,  sa  wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album. Sa  ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019  sa  digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo  sa  achievement na kanilang natamo. “ Una, nagpapasalamat tayo  sa  Panginoong Diyos dahil  sa  tagumpay na ibinigay Niya  sa  amin.  Sa  lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanill...