Obet Rivera
Albums: Flashes of Random Spaceships
Battled Scared
Tres ( in progress)
Singles/ Releases: Dilemma, Make You Smile, Party-Party Na, Gusto Kong Magsayaw, Lately, Reggae Jam, Ang Pag-Ibig Ko Sa 'Yo, Bagong Araw, Pilipinas
Si Obet Rivera ay isang musikero, composer at indie recording artist at Dj na naka-base ngayon sa bansang Singapore--- kung saan ay naka-base na siya rito sapol pa noong 2007. Sapol pa noong dekada 90, isa na siyang propesyunal na gitarista--- at isa ring session at touring musician para sa mga celebrities at ilang artists gaya nina Ariel Rivera, Dessa, The Boxers, Jose Manalo at Wally Bayola, Ina Raymundo, Pen Pen Ni Emil Sanglay, The Voce Kids at Mitoy Yonting. Bukod sa Singapore, nakapunta na rin siya sa Malaysia, China, Indonesia at Thailand--- gayundin sa iba’t-ibang siyudad sa Pilipinas.
Kasalukuyan din siyang miyembro ng Indipilipins bilang bokalista, arranger at gitarista--- isang internet band na lumilikha ng Indie songs para sa mga composers at indie artists na nangangailangan ng tulong sa paggawa ng de-kalidad na demos at recordings sa abot-kayang halaga.
Kasama rin ni Obet ang ilang musikero sa 'The New Minstrels' fame na hawak ang keyboards, Nolit Abanilla, Presidente ng Indie Pinoy ( bass), at Christian Semilla sa drums, kung saan ilang kanta ng grupo ay isinulat ni Butch Monserrat. Bilang Indie artists, naglabas ng kanyang first solo Album CD si Obet na may pamagat na: “ Flashes of Random Spaceship” na naglalaman ng 10 orihinal na kanta--- at ang lahat na ito ay kanyang isinulat.
Ang kanyang mga kantang “Dilemma at Party-party Na” ay pinatutugtog sa Pinas FM 95.5. Ang nakakabilib, mayroong sariling radio program si Obet sa Pinoy online radio--- isang internet radio na naka-base sa San Jose, California, U.S.A. Ang kanyang show ay tinatawag na “Sounds of Filipino Music 100% Indie--- na nagpapatugtog ng OPM at Pinoy Indie songs na napapakinggan sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Bilang markadong musician, kinilala ang ambag ni Obet sa industriya. Katunayan, ginawaran siya ng gawad pagkilala ang kapwa nating Indie artists na naka-base sa Singapore. Siya ang lumikha ng mga awiting, Dilemma at Make You Smile at ng album na“Flashes of Random Spaceships. Ginawaran siya “Natatanging Indibidwal at Organisasyon ( Alagad ng Sining/ Indie Music) ng Sulo ng Overseas Filipino sa York Hotel sa Singapore.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento