Lumaktaw sa pangunahing content

ADAMSON LADY FALCONS, CHAMP SA PVL COLLEGIATE CONFERENCE


(Photo Credit: TieBreaker Times)

Dahil sa kanilang pagtataglay ng maningas na puso at tikas na laro, nilambat ng Adamson University Lady Falcons ang titulo sa 3rd PVL Collegiate Conference. Ibinaon ng Falcons ang kanilang matutulis na kuko sa kalabang UST Lady Tigresses sa Game 2 ng best-of-three finals, 25-19, 25-6 at 25-17 (2-0 sa serye). Kaya naman nagdiwang ang mga fans ng Falcons sa FilOil Flying V Centre kamakalawa. 
Bumida sa panalo at opensa ng Falcons si Lorence Grace Gohing sa pagtatala nito ng game-high na 15 puntos at 6 blocks. Naging katuwang naman ni Gohing ang kakamping si Trisha Mae Genesis na kumamada ng 14 puntos mula sa 10 attacks at 4 service ace. Hinirang din si Genesis na MVP ng torneo.
Tinapos ng Adamson ang third set nang isang block ang ginawa ni Rizza Cruz, dahilan upang itarak ang 25-17 kartada, anupa’t nalusaw ang pag-asa ng Tigresses na makahirit pa sa laban. Gumawa naman ng 11 puntos si Eya Laure para sa UST. Ngunit, kulang ang produksyon nito upang ilatag pa ang rubbermatch sa Falcons.
Sa iba pang laro. Nasubi naman ng Ateneo Lady Eagles ang ikatlong puwesto sa torneo nang likidahin ang DLS-CSB Blazers (2-0) sa Game 2 sa iskor na 20-25-14-25-25-22, 19-25. Nanguna sa ratsada ng Ateneo si rookie Faith Nisperos sa pagdagit ng 21 puntos mula sa 19 attacks. Tumulong naman kay Nisperos si Julianne Samonte na nagtala ng 16 puntos.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

BAKIT MAHABA ANG BUHAY NG MGA PATRIYARKA?

Pagkatapos ng Bahang Gunaw, si Noe (600 taon ) ay nabuhay pa ng 350 taon. Sa edad na 950 taon ay namatay na siya (Genesis 9: 29). Muli, may nagtatanong na ilan, bakit mahaba ang buhay ng mga sinaunang tao, lalo na ang mga patriyarka na nakasaad sa Biblia na lubhang imposible nang maarok at hidi aakalaing maaabot nila ang gayung napakahabang taon na nabuhay sa lupa . Na ang kanilang buhay ay kulang-kulang o halos 1000 taon nang sila’y mamatay. I-halimbawa natin ang unang lalaking nabuhay na si Adan. Siya ay pumanaw sa edad na 930 taon ( Genesis 5:4) . Si Matusalem, na naitala na siyang pinakamatandang nilalang na nabuhay sa edad na 969 taon ( Genesis 5: 27 ) at maging si Noe ay nabuhay hanggang 950 taon ( Genesis 9:29). Mantakin na lang halimbawa kung ilang pelikula pa ang mapapanood nila, o kaya’y magiging asawa, anak, inapo, presidenteng maabutan, at ilang kaganapan sa kasaysayan ang kanilang masasaksihan. Pero, sa panahon ngayon, kapag umabot ka ng 65 o kaya’y 70, m...

PYRAMID OF EGYPT, GAWA BA NG MGA ALIEN?

Sadyang nakakamanghang ang mga piramide sa Egipto kapag pinagmasdan. Isang arkitekturang kahanga-hanga na ipinagmamaki ng bansa. Subalit, ang misteryo tungkol dito ay nabuksan na sa nakalipas na libong taon. Hindi kumbinsido ang mga kontemporaryong archeologist, na ngayon ay naniniwala sa tala at mga aklat   ni Zecharia Sitchin . Maging ang manunulat na si William Henry na siyang nagsulat ng aklat na Egypt, 'The Greatest Show on Earth' ay ipinahayag na hindi gawa ng tao ang mga naturang pyramids. Aniya, ito ay ginawa ng kakaibang mga nilalang na tinatawag nga na mga alien--- na sinabi niya sa isang conference nang dumalaw siya sa Egypt noong Enero 17, 2010 Egypt Tour. Kung pagbabatayan umano ang kasaysayan. Ang tatsulok na arkitektura’y nilikha o ginawa noong panahon ng lumang bato. Kung lilimiin at iisipin batay sa siyensiya, nangangahulugang gawa iyon ng mga apeman. Aniya, papaanong magagawa iyon ng mga gayung tao sa gayung sibilisasyon gayung ang gamit nila ...