Mata Hari.
Ating tatalakayin muna ngayon ang tungkol sa mga babaeng espiya na ginamit ang kanilang alindog upang mapalakas ang opensiba at malalan ang galaw ng mga kalaban. Narito ang ilan sa kanila na kilala sa kasaysayan.
Isabella Marie Boyd (Mayo 9, 1844- Hunyo 11, 1900) Nancy Wake ng Pransiya- (Agosto 30, 1912), Margaret Kemble Cage ng New Jersey (1734-1824), Josephine Baker, (June 3, 1906 – April 12, 1975), Knor Inayat Khan, ng India ( Enero 1, 1914- Setyembre 13, 1944), Anna Chapman, ng Russia (Pebrero 23, 1982).
Violette Zhabo ng Pransiya (Hunyo 26, 1921- Pebrero 5, 1945), Liu Luhan ng China (1932-1947), Charlotte de Sauve ng Pransiya ( c 1551- Setyembre 30 1617).
Pero, ang pinakatampok sa kanila ay ang bebot na si Margaretha Geertruida "Grietje" Zelle, na kilala sa bansag na Mata Hari. Sadyang pinapantasya ng mga kelot ang naturang babae at kinaiingitan ng tulad niyang kabaro ni Eva. Ipinanganak sa Leeuwarden noong ika- 7 ng Agosto 1876. Isang pamosong Dutch exotic dancer, hostess, at inakusahang espiya na hinatulan ng firing squad sa France dahil sa paniniktik para sa Germany noong World War I.
Ang kanyang bantog na ginawa ay ang paglalakbay sa mga ilang siyudad sa Europa na kung saan ay naging courtesan siya ng isang makapangyarihang lalaki sa gobyerno at ng militar. Ang kanyang mga naging relasyon at koneksiyon sa mga makapngyarihang mga lalaki sa gobyerno ay nakakapagbigay sa kanya ng passes sa international boarders. Tungkol sa World War I, siya’y naging markado bilang artist at isang free-spirited Bohemian. Ngunit, nang kasagsagan ng digmaan, ang kanyang imahe sa ilan ay isang hindi maingat, pakawala, at immoral na babae. Nakilala rin siya bilang dangerous seductress o mapanganib na tukso.
Nang kainitan ng World War I, inakusahan siya ng mga Pranses na nag-eespiya at nagbibigay ng datus pabor sa mga Aleman. Pero, lumabas din na kinokros-ober nito ang mga Aleman pabor naman sa mga Pranses. Noong Enero 1917, ang German military ambassador sa Madrid ay nag-transmit ng mensahe sa radio sa Berlin na naglalahad ng magandang aktibidaddes ng German Spy na may code-named na H-21.
Nasagap naman ng French intelligence agents ang naturang mensahe at ang mga impormasyon na nagsasabing si Mata Hari ang naturang agent H-21. Ang kakatwa, ang mensahe sa naturang code na batid ng German intelligence ay nasira na ng mga Pranses na nagbigay sa mga historians na ang naturang mensahe ay peke. Kalaunan, ay sinubukan siya sa gawaing pag-e-espiya at natuklasang guilty. Siya ay ginawaran ng Firing Squad bilang parusa noong ika-15 ng Setyembre 1917 sa edad na 41-anyos.
Nang tuluyang matapos ang WWI, inamin ng mga Pranses na wala silang matibay na ebidensiya laban sa bebot. Ang konklusyon tuloy ng ilang modern day historians na kaya siya pinagbabaril ay hindi dahil sa pagsasagawa ng Honey Trap Operation. Kundi, siya ay nagbibigay ng mensahe sa ilang kababaihan na baka sumunod sa kanyang yapak.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento