Tunay na ang taong 1896 ng ika-19 na siglo ay siyang pasimula ng
inobasyon at kaunlarang pang-imbensiyon na siyang sinasang-ayunan ng siyensiya.
Ang panahong ito ay tinawag ni Henry Ford
na “Century
of Great Ideas” dahil ang ika-19 siglo ay siyang pintuan para sa
maunlad at makabagong daigdig. Nang maimbento ang Vulcanized Rubber ni Charles
Goodyear noong 1844, ito ang naging hudyat upang uminbento ng isang
makabagong transportasyon si Ford na mapapakinabangan ng sangkatauhan.
Sang-ayon din siya na ang pinaka-dakilang naimbento ng tao noon pang
unang mga panahon ay ang gulong dahil ito ang naghatid ng kaunlaran sa bawat
sibilisasyong natatag mula sa matandang daigdig at maging sa hinaharap. Batay
sa kasaysayan, hindi man siya ang orihinal na nagsagawa sa konsepto ng
sasakyang kotse ay siya naman ang nagpayaman nito.
Ang isang pinangatawanan ni Ford upang ipagpatuloy ang ilang kabiguan sa
larangan ay ang patotoo umano sa kanya ng Biblia na nasa aklat ng propetang si Daniel.
Batay sa talatang Daniel 12:4, ay
naniniwala si Ford na sa panahon ng kawakasan na marami ang tatakbo ng paroon
at parito’y ay transportasyon ang sinasaad doon. Malilikha lalang iyon dahil sa
paglago ng kaalaman at tanging siya ang makakapagsimula niyaon.
At dahil sa binabasa
niya ang Biblia na galing sa kanyang tiyuhin, ang talatang iyon ay itinuring
niyang propesihiya tungkol sa kanya. At sa loob ng walong taong pagsisikap at
kalinanga’y ganap nang naimbento ang kotse o automobile ni Ford noong taong
1896. At mula rito’y umunlad na ang larangan ng sasakyang de-motor at
pinapatakbo ng langis na higit na mabilis kaysa karosa at karetela na ginagamit
noong una.
oOo
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento