(Pahayag ni Joven Mendoza ng bandang 'Jobbmen'
Ako po si Joven Mendoza. Pero, ginagamit kong name as a performer is “Jobb Mendoza”. After gumraduate ng High Skul, nadiscover ko ang pagsusulat ng kanta. Naging libangan ko siya for 4 years. Naka 40 songs din yata ako nun.
Pero, sa pagbabanda parang hindi ko hilig. Parang ayoko ng entablado. Mas gusto ko pang tumugtog sa inuman kasama ang barkada, kantahan sila, tugtugin ang mga request nila at magkantahan hanggang magdamag at magumaga, kasiyahan lang katuwaan.
2009 nag asawa na ako, medyo na laylo sa pag-iinom at pagsusulat ng kanta. Hanggang dumating sa puntong ayoko na.
Wala namang nangyayari at patutunguhan ang pagsusulat ko.Hanggang sa muli akong napunta sa isang inuman at napatugtog at napakanta ng mga covers, may mga kainunan pala akong mga member ng banda na kahit papano may mga regular gig na. Kinukuha kong vocals nung isa at gitarista nung isa. Parang bigla akong nagkagusto na mapabilang sa banda. Pero, hindi ako pinayagan ng asawa ko. Nirespeto ko ang desisyon niya at namuhay ng normal.
Taong 2015, nakita ko yung dati kong classmeyt nung high school na nagbabanda na pala ngayon at nabanggit niya sa akin na naaalala nia na nagsususlat ako ng kanta dahil nagsusulat na din siya para sa banda niya.
Binanggit niya sakin na kung nagpapasa daw ako sa Philpop at Himig Handog. Sabi ko ano yun? Ipinaliwang niya at sinabing magpasa na din ako. Paano ko sisimulan. Una daw irecored ko daw yung kanta, ni recording wala ako idea. Sinamahan niya ko sa isang recording malapit lang samin. Isang maliit na recording na acoustic lang ang kayang irecord. After recording ang sarap sa feeling na maririnig mo ung kanta mo na naka-record ng maganda.
Sumunod na taon bumalik ako doon para magrecord ulit ng dalawa pang kanta na pinasa ko sa mga competition. Kahit top 500 ata, hindi nakakapasok. Pero, okay lang. Dahil ayaw ng asawa kong magbanda ko. Sa pagsusulat at pagpasa ko nagfocus dahil hilig ko talaga ang music. Pinasa ko rin ang tatlong recorded song ko dito samin sa ibat ibang online radio. Nakapasa naman at masarap sa feeling.
Pinasa ko ito ( mga kanta) sa mga local radio. Pero, hindi nakapasa. Hanngang nito lang taon, nagkaroon ng songwriting, so kailangan ko magrecord ng isang kanta. Pero, sarado na pala ‘yung recording malapit dito samin. May nakausap akong isang indiependent artist na DJ sa isang online radio about dito. Tinulungan niya ako para maareglo ang bago kong kanta. At pinakilala niya naman ako sa isang indie artist din para mairecord ang vocals. Sobrang ganda ng kinalabasan.
Sa ngayon, ang awit na ito ay laman na rin ng online radio. Napapatugtog na rin sa local radio. At pinalad pang masama sa isang Indie Compilation Album.
At kailangan daw bumuo ng banda para sa launching. Kaya ngayun nakabuo na din ako ng banda nito lang nakaraang July 2017. Pumayag na ang misis ko about dito. Nakatugtog na din kami sa radio, bars at Ilang mga events.
Lahat ng nangyari parang nakatakda. Lahat ng bagay may dahilan kaya wala na dapat tayo pagsisihan. Noon, nagsisisi ako kung bakit inuna ko pa yung pag-iinom at tumugtog sa inuman kaysa magbuo ng banda.
Pero, sa isang banda; maaaring ang pag-inom at pagtugtog ko sa inuman noon ay ang malaking naiambag sa akin--- kung anong klaseng musikero ako ngayon. Sa mga nawawalan ng pag asa tuloi nio lang ang pagsusulat. Di ba yan ang gusto natin? Bonus na lang sa atin--- kung may makapansin sa ating mga obra, na tayo lang ang nakakaalam sa ngayon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento