“Ang Indie Pinoy Music ay bahagi din kultura at sining ng Orihinal na Musikang Pilipino”
Kung meron mang isa sa mga sumusuporta sa mga aspiring singers ngayon, ‘yan ay ang programang “Kantahan Na” ng Radyo Agila DZEC 1062 na sumasa-himpapawid tuwing araw ng Linggo, mula alas 12:00 hanggang ala 1:30 ng hapon.
Nasa ikapitong taon na ngayon ang nasabing programa na naglalayung makatuklas, makatulong at humubog ng mga indibidwal na may angking kakayahan sa pag-awit. Salamat sa nasabing programa dahil kahit ang isang indibidwal na walang access sa mga pamgunahing istasyon sa radyo na kalimitang nagtu-turn down ng mga awiting mula sa di kilalang artists, ang "Kantahan Na" ay nagbibigay daan upang hindi maikahon ang mga mang-aawit.
Bukas ang nasabing programa sa mga nagnanais umawit upang mabigyan ng pagkakataong maipamalas ang kanilang musika, tinig at galing sa pag-awit. Bukas din ang nasabing programa sa orihinal na composition o likhang awit na nais iparinig ng iba sa madla. Ito ang tunay na pagtulong sa mga mang-aawit. Welcome ka kahit ika’y isang maliit na musikero at garantisadong ikaw ay mapapakinggan sa radyo.
Kaya nga, kapag Linggo ay masaya ang programa dahil sa nakakasalamuha nito ang mga bago, datihang panauhin. Na kung saan ay natulungan ng nasabing programa kung kaya naging matagumpay sa larangan ng musika.
Ang programa ay sumahimpapawid noong taong 2012. Sa payak nitong pagsisimula, tuluyan itong kumampay at umalpas. Hanggang sa tinitingala na ng mga nagnanais na maging mang-aawit. Unang naging host nito sina Bay Hilario at Mavic Trinidad. Kalaunan ay hinawakan na ito ni Ka Joey Morales, Belle Surara at DJ Moodie Jam. Ilan sa mga naging proyekto ng programa ay ang pagtungo sa mga barangay upang doon magtanghal. Gayundin sa mga probinsiya. Layun din ng programa na tumulong sa mga indie artists sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng mga kanilang awitin.
Sana Maka guest ako someday sa program ng Kantahan Na.
TumugonBurahin