Lumaktaw sa pangunahing content

PROGRAMANG “KANTAHAN NA”BUKAS SA MGA ASPIRING SINGERS


Image may contain: 6 people, including Rafael Salonga and Belle Surara, people smiling, people standing


“Ang Indie Pinoy Music ay bahagi din kultura at sining ng Orihinal na Musikang Pilipino”

Kung meron mang isa sa mga sumusuporta sa mga aspiring singers ngayon, ‘yan ay ang programang “Kantahan Na” ng Radyo Agila DZEC 1062 na sumasa-himpapawid tuwing araw ng Linggo, mula alas 12:00 hanggang ala 1:30 ng hapon. 

Image may contain: 5 people, people smiling, people standing

Nasa ikapitong taon na ngayon ang nasabing programa na naglalayung makatuklas, makatulong at humubog ng mga indibidwal na may angking kakayahan sa pag-awit. Salamat sa nasabing programa dahil kahit ang isang indibidwal na walang access sa mga pamgunahing istasyon sa radyo na kalimitang nagtu-turn down ng mga awiting mula sa di kilalang artists, ang "Kantahan Na" ay nagbibigay daan upang hindi maikahon ang mga mang-aawit.



Bukas ang nasabing programa sa mga nagnanais umawit upang mabigyan ng pagkakataong maipamalas ang kanilang musika, tinig at galing sa pag-awit. Bukas din ang nasabing programa sa orihinal na composition o likhang awit na nais iparinig ng iba sa madla. Ito ang tunay na pagtulong sa mga mang-aawit. Welcome ka kahit ika’y isang maliit na musikero at garantisadong ikaw ay mapapakinggan sa radyo. 

Kaya nga, kapag Linggo ay masaya ang programa dahil sa nakakasalamuha nito ang mga bago, datihang panauhin. Na kung saan ay natulungan ng nasabing programa kung kaya naging matagumpay sa larangan ng musika. 

Ang programa ay sumahimpapawid noong taong 2012. Sa payak nitong pagsisimula, tuluyan itong kumampay at umalpas. Hanggang sa tinitingala na ng mga nagnanais na maging mang-aawit. Unang naging host nito sina Bay Hilario at Mavic Trinidad. Kalaunan ay hinawakan na ito ni Ka Joey Morales, Belle Surara at DJ Moodie Jam. Ilan sa mga naging proyekto ng programa ay ang pagtungo sa mga barangay upang doon magtanghal. Gayundin sa mga probinsiya. Layun din ng programa na tumulong sa mga indie artists sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng mga kanilang awitin. 

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TATLONG BALANG NA MAY MUKHA NG TAO!

Atin illahad pa ang ilan sa mga propesiya na nakasaad sa ‘Prophecy Code’ na nakasaad din sa ‘The Book of Mysteries’ . Kapag iyong binasa ang ilan sa mga nakasulat sa propesiya ni Nostradamus, at ng nakasaad sa Biblia, may pagkakahawig.  Ang mga hula na nakasaad sa naturang aklat o kalipunan nito ay walang tiyak na pinatutungkulan o maligoy ang pinatutungkulan nito. Hindi rin sunod-sunod na natupad. Kaya lamang, kapansin-pansin ang na kapag nilimi mo ang mga kaganapan noon sa mga nakalipas na panahon lalo na noong ika-20 siglo, puwede mong iugnay  ito. Puwede kasing pagbatayan ang bawat tala na nakasulat sa mga pangyayari at aakalin mong natupad nga. Pero, ang mga tala na kinopya lamang sa Banal Na kasulatan ay walang sablay dahil nakatakda naman talagang mangyari. Narito ang ilan pa sa mga propesiya. -           “ Tatlong balang na may mukha ng tao ang magbibigay ng kaabahan sa tatlong yugto ng panahon. Sila ay makapang...

MGA LIHIM SA PLANETANG SATURN

Ang planetang Saturn ay siyang planeta sa ating sistemang solar na may singsing sa palibot nito. Kaya naman, ipinagtataka noon ng mga nagdaang astronomo kung bakit ito lamang ang planeta na may singsing sa palibot. At ang matindi, ito ay parang mga string ng gitara na nahilira sa isang mas malaking ring. Ngunit, nitong mga nagdaang dekada, natuklasan na rin sa planetang Jupiter, Uranus, at Neptune na may singsing din. Pero, mas angta ang ganda ng Saturn kumpara rito. Noong 1610 , pagkatapos na ma-diskubre ni Galileo Galilei ang planetang Jupiter gamit ang sariling imbentong teleskopyo, pagpihit niya nito sa bandang tinugan ay natuklasan niya ang pambihirang planeta. Namangha si Galileo. Aniya, walang kagayang planeta sa taglay na kagandahan ng Saturn dahil sa singsing nito. Sa pag-unlad pa ng ika-17 siglo sa larangan ng optics, mas lalong naging detalyado pa ang hitsura ng naturang planeta kapag tiningnan sa teleskopyo. Ninais ni Galileo na sabihin sa bawat tao ang kan...

MGA PUMALPAK NA DOOMSDAY PROPHECY

Noon pa man ay hinuhulaan na ng mga kinauukulan ang katapusan ng mundo. Sapol pa noong unang siglo ay hinulaan na ng ilan ang magaganap na katapusan ng daigdig. Pero, nangyari ba? Hindi. Pero, ito ay may kinalaman lamang sa pagbabagong nagaganap sa singsing ng planetang Saturn na nagdudulot ng masamang kaganapan sa earth. Ang mga awtoridad kasi na mga ito ay naghahayag ng propesihiya upang ituring silang magagaling. Ngayon, ating tatalakayin ang mga ilang propesihiya na pumalpak at mga pangyayari sa kasaysayan na inakala ng iba na siya na ngang katapusan ng daigdig. Nagkataon naman na ang pinagbabasehan nilang pagbabago sa kalawakan ay nagkaroon ng kaugnayan sa earth sa paraang negatibo. Sa loob ng pag-aaral sa mahigit 600 taon, ang teorya sa Saturn’s Ring kaugnay pa ng ilang kaganapan sa kalawakan ay naging batas na ng ilang manghuhula gaya ni Nostradamus.   Eruption ng Mount Vesuvius - Noong 79 AD, pumutok ang naturang bulkan. Inakala ng iba na ito na ang katapusa...