Lumaktaw sa pangunahing content

PYRAMID OF EGYPT, GAWA BA NG MGA ALIEN?



Sadyang nakakamanghang ang mga piramide sa Egipto kapag pinagmasdan. Isang arkitekturang kahanga-hanga na ipinagmamaki ng bansa. Subalit, ang misteryo tungkol dito ay nabuksan na sa nakalipas na libong taon.

Hindi kumbinsido ang mga kontemporaryong archeologist, na ngayon ay naniniwala sa tala at mga aklat  ni Zecharia Sitchin. Maging ang manunulat na si William Henry na siyang nagsulat ng aklat na Egypt, 'The Greatest Show on Earth' ay ipinahayag na hindi gawa ng tao ang mga naturang pyramids. Aniya, ito ay ginawa ng kakaibang mga nilalang na tinatawag nga na mga alien--- na sinabi niya sa isang conference nang dumalaw siya sa Egypt noong Enero 17, 2010 Egypt Tour.

Kung pagbabatayan umano ang kasaysayan. Ang tatsulok na arkitektura’y nilikha o ginawa noong panahon ng lumang bato. Kung lilimiin at iisipin batay sa siyensiya, nangangahulugang gawa iyon ng mga apeman. Aniya, papaanong magagawa iyon ng mga gayung tao sa gayung sibilisasyon gayung ang gamit nila ay kasangkapang bato. Papaano nila mamomolde ang tumpak na sukat ng pyramid at disenyo nito sa gayung primitibong kalagayan nila.

Ang kasagutan ay binuksan. “Ang Pyramid sa Egipto” ay gawa ng mga Alien na mga Anunaki. Sila ay mula sa planetang Nibiru na siyang ika-12 planeta ng ating sistemang solar. Ang naturang planeta ay nagtago at tumanan sa ating sistemang solar. Sila iyong mga nilalang na kawangis sa pelikulang Planet of The Apes

Sila  umano ay may demi-god na kalahating tao (apeman) at kalahating diyos. Hindi totoong libingan ng mga Paraoh ang mga Pyramids, kundi iyon ay isang transmitter ng mga Anunaki para makipagtalastasan sa kanilang mga kauri. Kung may mga nakita ngang mummy doon ay hindi sa layung na iyon ay ilibing. Kundi, iyon ang daan para mabuhay o mag-generate uli ang isang namatay sa kabilang dimensiyon (Chrono Cross). Isang halimbawa na rito ay ang paraoh si Thutmose na sinasabing demi-god.” pahayag ni Henry.

Isa pa, ang tuktok ng pyramid ay nagsisilbing radar o radio transmitter para sa komunikasyon ng mga Annunaki. Doon din umano lumalapag ang mga spaceship nila kapag dumadalaw sila sa ating planeta. Ang totoo, ang mga Annunaki aniya ang siyang nagtatag ng siyudad sa Cairo at ng sibilisasyon nito na itinatag sa Nile River. Kaya naman, ang Egipto ang kauna-unahang imperyo sa daigdig ayon na rin sa tala ng Biblia na kasuhay ng mga tala ni Sitchin.

Aniya, may mga pyramid pa sa ilalim ng lupa roon at maging sa tubig (nile river) na siyang sikretong laboratories. Mula sa pagiging apeman ng mga Annunaki, ay nakipagniig sila sa mga human beings sa anyong tao dahil may kakayahan silang magbago ng anyo. Doon na nalikha ang mga Anunaking may genes ng tao na naging makapangyarihan sa naturang nasyon.  Sila ay pinagmulan ng lahing paraoh at bantog na tao sa Egipto.

Dahil sa kagustuhan pa nilang magtayo pa ng ilang pyramid, ipinasya ng mga Annunaki na may lahing tao ( na mula sa lahi ni Enlil) na kumuha ng ibang taga-gawa o labor force dahil sila’y makapangyarihan na. Kaya, ang mga tao ng Abrahamic God o mga Israelita na nanahan sa bayan nila noong mga 1,500 BC ang siyang pinagtrabaho nila. Isa pa, natatakot sila na dahil baka dumami pa ang lahi ng mga tao ng Diyos kung kaya nag-utos ang Paraoh na ipapatay ang mga sanggol 2 taon pababa.

Subalit, hindi nagpabaya ang Diyos kung kaya nailigtas si Moises noong sanggol pa ito at inampon ng prinsesa ng Egipto (sa tala ng Exodus). Dito nagkaroon ang kompetensiya ang diyos ng Egipto at ng Israel. Natalo ang Egipto ay nakalaya ang mga Israelita sa pagkaka-alipin nila sa loob ng 430 taon. Dahil sa pagkapahiya ng mga Anunaki sa Diyos ng Israel ay umalis sila sa daigdig at iniwan ang kanilang pamana sa daigdig, ang pyramid.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG REAL-LIFE HANAMICHI SAKURAGI

Marahil batid ng ilan sa atin lalo na ang mga basketball fans kung sino si Hanamichi Sakuragi . Siya lang naman ang pinakabida sa basketball anime na Slam Dunk . Siya ang pinakasikat sa Shohoku Team at tinaguriang ‘ Henyo’ at ‘Hari ng Rebound’ .  Kung lilimiing mabuti, maaasahan talaga sa rebound si Sakuragi at magaling din sa depensa. Kapag umopensa naman, siguradong highlights ito dahil ang lupit niyang dumakdak. Pero,alam ba ninyo na ang naturang cartoon character ay talagang umiral sa tunay na buhay.Isang totoong persona. Dahil ang pangalang Hanamichi Sakuragi ay talagang eksistido.   Nang gawing anime ang kanyang buhay ay iniba ang ilan sa mga pangyayari sa kanyang talambuhay. Ang Sakuragi sa tunay na buhay ay ipinanganak sa bansang Japan noong taong 1968 na mula sa simpleng pamilya lamang. Ang kanyang nanay ay pumanaw noong siya’y musmos pa lang. At dahil sa kinalakihan niya na walang kinagisnang ina, nasabak sa basag-ulo si Sakuragi upang may mapagbuhusan ng sa

JAKE, ANG TAONG KALAHATING TAO, KALAHATING BUWAYA

Kagila-gilalas na inihayag ng mga researchers sa naturang pook ang kanilang natuklasan kuno sa isang kakatwang nilalang. Ito kasi ay kalahating-tao at kalahating buwaya. Ito ay may mukha ng tao at may katawan ng tao. Ngunit, pagdating sa ibaba, o kalahati nito, ay gaya ng katawan ng buwaya. Ito umano ay pambihirang pagkatuklas sa larangan ng Zoology sa nakalipas na 200 taon. Ito ay may habang 8 na talampakan ayon kay Dr. Gregory Hickens ng Miami based marine Biologist na gumugol na ng 48 taon sa naturang field. Nadiskubre ng Australian zoologist sa isang infected swamp kasama ang 6 sa kanyang six graduate students. Katulad aniya ito kay “Jake The Alligator Man” sa Longbeach, WA. Hindi nila akalaing totoo ang alamat tungkol sa taong buwaya na bukambibig na ng mga Natchez Indians ilang siglo na ang nakakalipas. Ito umano ang kinatatakutan ng mga mandirigmang Indians na sumisira ng kanilang sasakyang pantubig na canoe. Maging ang mga runaway slaves noong ika-18 dantaon ay

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil sa kakulangan ng supply