Portsmouth,
England- Malungkot
na inihayag ng 22-anyos na bebot na estudyante sa Portsmouth na siya’y hirap sa
kanyang ninanansang healthy diet dahil siya’y talagang takot sa gulay. Si Vicki
Laarieux ay nangangatal na sa takot kapag nakita ng gulay. Aniya, talagang
uuvbra lang sa kanya ang pagkain ng karne (meat) patatas, cereals, at
occasional apples. Ngunit, ayaw kumain ng carrot kahit maliit na hiwa lamang sa
kanyang dinner plate. Aniya, sa gulay na ito siya may matinding phobia.
Siya’y nagdurusa sa kanyang kakatwang kondisyon na kilala sa tawag na
lachanophobia na kung saan ay nagdudulot ng matinding pamamawis at inaatake ng
panic.
“Sadyang ako’y may
kakatwang takot sa gulay kahit noong ako’y bata pa. Manaka-naka lang akong
kumakain nun gaya ng maliit na hiwa ng carrot o kahit ilang piraso lang ng peas
sa aking pinggan. Ang takot ko sa celery ay lumubha pa noong ako’y lumaki na at
hindi ko ninais na hindi kumain talaga ng gulay. Kaya lang, talagang natatakot
ako rito at hindi ko malaman ang dahilan. Sa tuwing ako’y makakakita ng gulay
hindi lamang sa hapag-kainan, kundi kahit saan ko man ito makita’y talagang
nagpapanic ako. Bumibilis ang pintig ng puso ko at matindi kung pagpawisan,” sabi ng dalaga.
Ang kakatwang nararamdamang takot ng mga ilang libong katao sa Britanya
sa gulay ay nilulunasan sa pamamagitan ng “Psychological re-programming s
aganitong kondisyon. Ito ay para makontrol ang nerbiyos kapag nakakakita ng mga
gulay lalo na ang mga celery o madadahong uri nito. Kaya naman kakatwang
nagtutungo sa supermarkets si Vicky kasama ang kanyang ang 25-anyos na nobyo na
si Joseph Jade na nauunawaan ang kanyang kondisyon.
“Sinisikap
kong pag-aralan ang aking takot ngunit hindi ganoon kadali habang nakakakilala
ako ng mga bagong kaibigan na mag-iisip na ako’y isang praning dahil takot sa
gulay. Tiyak na pupulaan ako ng mga vegetarian. Ngunit, ako’y tiwala na
malalampasan ko ang aking phobia at umaasa na isang araw ay mauupo ako sa
hapag-kainan na may Sunday roast na may mga gulay,” ani Vicky. Ang spokesman ng phobia charity Anxiety
UK ay nagwikang halos may 13 percent ng mga Briton ang may kondisyon na may
phobia sa gulay. Sa ngayon ay isa si Vicky na sumailalim sa medikasyon at
diagnosis upang malunasan ang kanyang takot sa gulay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento