(Programa ng SaMusika at Beatols Brotherhood Inc.)
Bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa ngalan ng musika, muli na namang nagsagawa ang SaMusika (Samahan sa Musika, Kultura, Sining, Atbp) sa koordinasyon Beatols Brotherhood Inc ng isang programa. Sa pakikipagtulungan ng School Division Office Quezon City at Sto. Cristo Elementary School, naikasa ang proyektong: “Baybayin at Musika Tungo sa Pagpapalaya ng Diwa” na idinaos noong nakaraang Setyembre 21, 2019 sa Sto. Cristo Elem. School sa Brgy. Sto.Cristo, Bago Bantay, Quezon City.

Kung saan, tinuruan ang mga kabataang mag-aaral ng eskuwelahan ng iba’t-ibang katutubong alpabeto kabilang ang Baybayin at maging ng ibang alpabeto ng kanugnog nating bansa sa Asya.
Siyempre, pinakatampok ang performances ng mga musikero na kasapi sa Beatols Brotherhood at iba pang kaibigan sa tugtugan. Kabilang sa nagtanghal sina Beatols Chairman Melrom Azquire, Anthony Oliza, Kelvin Teh, JR Prisno, Lodi ng Bayan, Schyev Santos, Azathea (Ella Tianchon at Jhake Nebreja), DJ Angela Rodriguez Abanilla at Prof. Joel Costa Malabanan.

oOo
BMP MUSIC AWARDS, TAGUMPAY
Naging matagumpay ang isinagawang BMP Awards 2019 na idinaos noong Setyembre 20, 2019 sa Loquis Place. Siyempre, nominado ang limang grupo sa nasabing music awards na ikinasa ni DJ at Bongskie Production head Bong Cervantes. Kabilang sa nominado ang Minerva, Stella, Banda ni Machine Man, Handshake at Splendio Tritus. Nasungkit ng Splendio Tritus ang ‘Best Live Performance’ at BMP Awards 2019’s ‘Best Artist of the Year’. Samantalang hinirang naman ang kanta ng grupong Handshake bilang ‘Best Original Composition’.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento