London, England- Bilang isang scientist na tumulong upang magamot ang sakit na smallpox ay nalalaman ang bagay tungkol sa pagkapuksa. Si Prof. Frank Fenner, isang emeritus professor of microbiology sa Australian National University ang nagsabing ang human race ay mabubura na sa mundo sa susunod na 100 taon.
Pinahayag niya noon na ang sangkatauha’y hindi na makakayanang mabuhay dahil sa paglobo ng populasyon at walang tigil na pagkonsumo. Pinahayag ni Fenner sa Australian newspaper na ang homo sapiens ay malamang na mabubura sa mundo sa darating pang 100 taon. Gayun din umano ang mangyayari sa ibang mga hayop.
“ Iyon ay hindi mapipigilang sitwasyon. Sa tingin ko, huli na ang lahat. Sinubukan kong huwag ipahayag iyon dahil ang mga tao ay gumagawa ng kahit ano. Ngunit, walang kasiguraduhan. Pawang nagpapalubha lamang ng ating kapaligiran .” ani Fenner.
At dahil sa ang tao ay lumitaw sa unofficial scientific period na Anthropocene, ang panahon ngayon ay nasa masalimuot na industriyalisismo. Aniya, nakaka-apekto iyon sa ating planeta na maaaring humantong sa kaganapan ng iced age o comet impact.
Si Fenner, ay nagwagi na ng mga parangal dahil sa kanyang mga gawa sa pagtulong upang masugpo ang variola virus na nagiging sanhi ng smallpox at nakapagsulat na ng 22 aklat. Sinabi niya noon ang pagpigil sa naturang sakit sa World Health Organization noong 1980 at itinuturing ng organisasyon na pinaka-dakilang natamo sa larangan ng medisina. Sangkot din siya sa pagtulong upang ma-kontrol ang myxomatosis problem sa Australia na isang nakukuha sa kuneho. Noong nakaraang taon, ang opisyal na pigura ng United Nation (UN) na tinatayang nasa 6.8 bilyon na ang populasyon ng tao sa buong mundo.
Sinisisi ni Fenner ang napipintong climate change na siyang magiging dahilan ng nakatakdang katapusan ng lahing ng tao sa ating planeta. “Mangyayari rin sa atin ang naganap sa mga tao sa Eastern Island.” pahayag niya. Ang mga salik umano na magiging sanhi ng pagkawala ng human race ay ang climate change nga, pagkaubos ng likas na yaman, at malalang paglobo ng populasyon ng tao na sinuhayan din ni Simon Ross, vice chairman of the Optimum Population Trust. Noong Nobyembre 2010, pumanaw si Fenner sa edad na 95-anyos.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento