Lumaktaw sa pangunahing content

ILADONG KATAWAN NG KELOT, NATUKLASAN SA NATUTUNAW NA YELO




American Mountain climber William Bill Holland. 



Inilantad ng isang glacier sa Canada ang isang preserbadong katawan ng American climber na 21 taon nang nawawala. Natuklasan ng dalawang hikers doon ang katawan ni William Bill Holland, 39-anyos, isang geologist ng Gorham, Maine, USA na nagmistulang ilado sa loob ng natutunaw nang yelo. Ang dalawa sa hikers na nakadiskubre sa labi ng kelot sa Dome Glacier ay sina Adam Pahal, 23-anyos mula sa Bomere Heath malapit lamang sa Shrewburyat at si Matt Shantz.

Nawala si Holland noon pang Abril 3, 1989 nang umakyat (hiking) sa isang delikadong ruta sa Slipstream. Ito'y isang nagyeyelo ng waterfalls sa isang 11,338  talampakang taas ng talampas na Snow Dome sa Columbia Icefields (Jasper Park sa Alberta )  ayon sa ulat ng CBC News. Ang Parks Canada rescue specialist na si Garth Lemke ay nagpahayag sa The Canadian Press news service na ang naturang glacier ice na tumatakip sa iladong katawan ni Holland ay natunaw na anupa’t lumikha iyon ng kakatwang senaryo.

Nang mga sandaling nakita namin ang katawan ni Holland ay hindi namin naisipan na hatiin ang glacier upang ilabas siya doon. Nananatili pa rin kasi siyang buo dahil sa nailado siya ng halos 21 taon. Maging ang kanyang mga suot na spike boots ay buo pa rin. Anupa’t nagmistulang mummified siya na nasa loob ng yelo. ” pahayag ni Lemke sa News Service.

Sinabi pa ni Lemke na ang ruta ng Snow Dome ay lubhang mapanganib at ilang katao na rin ang nasawi habang inaakyat ang Slipstream. Sinasabing 3 pa ang kasama ng kelot sa naturang hiking ngunit bumigay si Chris Dube dahil sa masamang lagay ng panahon noong buwan ng Abril 1989. 

Ang dalawang kasamahan ni Holland na nagpatuloy sa naturang pag-akyat ay bumigay din. Kung kaya nagpasya na silang bumaba dahil sa tindi ng lamig. Kalaunan, narating ng tatlong lalaki ang highway at doon ay humingi  sila ng tulong.


Nang sumunod na araw, saka pa lamang dumating ang mga rescuer at natuklasan nilang ang lunan na kinaroroonan nina Holland ay nabagsakan at sinira ng ice fall o ng avalanche. Kung kaya, iniulat na ng The Canadian Press na ang mga labi ni Holland ay nabaon sa yelo. Sinabi naman ni Steve Blake ng parks of Canada sa The Citizen na si Holland ay isang mountainist kung kaya ito ang nag-uudyok sa kanya upang umakyat sa mga bundok kahit nababalutan pa iyon ng yelo.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

BAKIT MAHABA ANG BUHAY NG MGA PATRIYARKA?

Pagkatapos ng Bahang Gunaw, si Noe (600 taon ) ay nabuhay pa ng 350 taon. Sa edad na 950 taon ay namatay na siya (Genesis 9: 29). Muli, may nagtatanong na ilan, bakit mahaba ang buhay ng mga sinaunang tao, lalo na ang mga patriyarka na nakasaad sa Biblia na lubhang imposible nang maarok at hidi aakalaing maaabot nila ang gayung napakahabang taon na nabuhay sa lupa . Na ang kanilang buhay ay kulang-kulang o halos 1000 taon nang sila’y mamatay. I-halimbawa natin ang unang lalaking nabuhay na si Adan. Siya ay pumanaw sa edad na 930 taon ( Genesis 5:4) . Si Matusalem, na naitala na siyang pinakamatandang nilalang na nabuhay sa edad na 969 taon ( Genesis 5: 27 ) at maging si Noe ay nabuhay hanggang 950 taon ( Genesis 9:29). Mantakin na lang halimbawa kung ilang pelikula pa ang mapapanood nila, o kaya’y magiging asawa, anak, inapo, presidenteng maabutan, at ilang kaganapan sa kasaysayan ang kanilang masasaksihan. Pero, sa panahon ngayon, kapag umabot ka ng 65 o kaya’y 70, m...

PYRAMID OF EGYPT, GAWA BA NG MGA ALIEN?

Sadyang nakakamanghang ang mga piramide sa Egipto kapag pinagmasdan. Isang arkitekturang kahanga-hanga na ipinagmamaki ng bansa. Subalit, ang misteryo tungkol dito ay nabuksan na sa nakalipas na libong taon. Hindi kumbinsido ang mga kontemporaryong archeologist, na ngayon ay naniniwala sa tala at mga aklat   ni Zecharia Sitchin . Maging ang manunulat na si William Henry na siyang nagsulat ng aklat na Egypt, 'The Greatest Show on Earth' ay ipinahayag na hindi gawa ng tao ang mga naturang pyramids. Aniya, ito ay ginawa ng kakaibang mga nilalang na tinatawag nga na mga alien--- na sinabi niya sa isang conference nang dumalaw siya sa Egypt noong Enero 17, 2010 Egypt Tour. Kung pagbabatayan umano ang kasaysayan. Ang tatsulok na arkitektura’y nilikha o ginawa noong panahon ng lumang bato. Kung lilimiin at iisipin batay sa siyensiya, nangangahulugang gawa iyon ng mga apeman. Aniya, papaanong magagawa iyon ng mga gayung tao sa gayung sibilisasyon gayung ang gamit nila ...