Lumaktaw sa pangunahing content

BIDA SA PELIKULANG “ALIEN”, NAKA-ENGKWENTRO RAW NG ALIEN







Si Yaphet Kotto, na nakasama at isa sa bumida sa 1979 movie na 'Alien' ni Ridley Scott, ay may  kakatwa aniyang karanasan.Ayon sa 77-taong-gulang, na kilala sa kanyang papel bilang Chief Engineer Parker sa science fiction horror classic, ay nagsabi sa isang kamakailang pakikipanayam--- na binisita siya ng mga dayuha o alien mula pa noong bata pa siya.

"Sinabi ko lang sa aking asawa, sa aking rabbi, at sa sikologo ang karanasan ko sa mga alien,” pahayag niya  kay Noel Ransomen ng Vice magazine. "Ito ang unang pagkakataon na ipinahayag ko ito."

Ayon kay Kotto, ang kanyang mga karanasan ay nagsimula noon sa edad na anim na taong gulang, nakatagpo siya ng isang 'entity' sa kanyang tahanan na--- "hindi kukulangin sa lima o anim na talampakan ang taas at may  mahabang ulo,” aniya.

Karagdagan pa, siya  ay patuloy pa umano na nakakaranas ng lahat ng ng mga anomalous phenomena sa buong buhay niya, kasama ang isang sighting ng "isang UFO  na kagaya Yankee Stadium na naka-baligtad ang porma habang nasa ere.Naniniwala rin siya na ang ilan sa kanyang mga UFO encounters ay na-trigger ng mga sesyon ng pagmumuni-muni.
"Wala akong pakialam kung may nag-iisip na ako ay delusional," sabi niya.

SAANG DIGMAAN GINAMIT NA PANANGGALANG ANG MGA PUSA



Noong Battle of Pelusium, na nangyari noon pang 525 B.C sa pagitan ng Persia at Egipto. Sa nasabing laban, gumamit ang mga Persianong sundalo ng mga pusa bilang pananggalang upang masira ang atake't opensa ng kalaban. Ito'y dahil sa hindi maaaring saktan ng mga Egipsiyo ang mga pusa dahil ipinagbabawal ito sa kanilang relihiyon. 

oOo

Ang pinakamalaking kuweba sa buong daigdig ay matatagpuan sa bansang Vietnam. Ang nakamamamgha rito, mayroon itong kaulapan at kagubatan sa loob nito.

oOo

Noong bumagsak ang Paris sa Nazi's noong taong 1940, pinutol ng mga sundalong Pranses ang kable ng elevator ng Eiffel Tower. Kapag nagkataong nais ni Hitler na ialagay ang swastika flag sa tuktok ng tore na may taas na 324 metro, dapat ay aakyat sila ng ilang baytang bago makarating sa tuktok.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ANG LITERAL NA PAGKATUYO NG ILOG EUFRATES

Ang pagkatuyo ng ilog Eufrates na binabanggit sa Apocalipsis 9:12-13 ay may dalawang katuparan, l iteral at espirituwal.   Ating lilimiin ngayon ang tungkol sa talatang 9:12-13 ng aklat ng Apocalipsis na sinasaad nga roon na ang isang anghel na may hawak na mangkok ay ibinuhos ito sa Ilog Euftates at ang naturang ilog ay natuyo.   Pagkatapos nito, dumaan sa tuyong ilog ang mga hari mula sa silanganan o sikatan ng araw na kung saan ay nagsilbing daraanan nila. Ano ang ibig sabihin nito?  May dalawang uri ito ng kahulugan. literal at espirituwal. Kung susundin ang literal na pakapahulugan, totoong natuyot ang naturang ilog sa kasaysayan. Ang naturang ilog na may habang 3000 kilometro ay isang Great River System sa Timog- Kanlurang Asya na dumadaloy at basin area sa pagitan ng mga bansang Turkey, Iraq, Syria, Kuwait, Saudi Arabia at sa Persian Gulf. Dahil sa nangyari ay nagdurusa ang bansang Iraq, partikular sa Jubaish dahil...

FIA RADIO, SANDALAN NG MGA INDIE ARTISTS

Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon  sa  mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig  sa  music ang kanta mula  sa  indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie.  Sa  katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog  sa  kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin. Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain  sa  mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins  sa  nabanggit d...

‘SILVER SPIRIT FANTASY’ (EP Album ng Zionchillers)

Kahit masyadong hectic ang schedule ng bandang  Zionchillers , hindi sila gaanong nakaka-rehearse ng kanilang mga kantang ire-record noon na kasama  sa  kanilang EP  Album  na  “Silver Silver Fantasy” .  Pero, dahil  sa  pagpupunyari,  sa  wakas, nagbunga ang halos 4 years na paghihintay upang mabuo ang album. Sa  ilalim ng Indie Pinoy label, nai-released ang nasabing album nitong nakaraang Agosto 9, 2019  sa  digital stores gaya ng Spotify, Itunes, Apple, Deezer, Tidal at iba pa. Ang ‘Silver Spirit Fantasy’ EP album ay naglalaman ng 5 tracks, kabilang ang Hahayaan, Do Yah, When I Marry You, Kung Hindi Man at Kumikislap. Nagpapasalamat ang grupo  sa  achievement na kanilang natamo. “ Una, nagpapasalamat tayo  sa  Panginoong Diyos dahil  sa  tagumpay na ibinigay Niya  sa  amin.  Sa  lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng album, kay sir Nolit Abanill...