Maraming indie artists ang mayroong magagandang kanta. Subukan n’yong magpatugtog araw-araw ng indie songs, siguradong malalaman ito at makikilala husto ng mga tao. Subali’t ilan lang ang mga radyong na nagbibigay ng pagkakataon sa mga maliliit na musicians. Gayunman, hindi rin mapigilan ang pag-angat ng mga ganitong awitin dahil talagang kusang nadidiskubre ng ilang Pilipino na mahihilig sa music ang kanta mula sa indie artists. Kung kaya, na-a-appreciate na nila ang tunog Indie. Sa katunayan, may ilang radio stations ang nag-iimbita na ng mga indie artists upang tumugtog sa kanilang programa--- at pinatutugtog na rin ang kanilang mga awitin.
Isa na nga rito ang Filipino Indie Artists (FIA) Artists, Radio, na pinamamahalaan ng mga taong may magandang adhikain sa mga indie artists. Ang naturang online radio ay pinamamalakad ng mga admins sa nabanggit din na samahan (FIA). Kabilang na rito si founder Gil Sabado, Fred Engay Jr. Ramil Ordias, Ravenson Biason, Carmela Malubay at Dominic Doringo.
Bilang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga indie musicians na nagnanais mabigyan ng pagkakataong maisa-himpapawid ang kanilang mga awitin, inilatag ng grupo ang FIA Radio--- na umeere na sa kalalukuyan. Ang kagandahan nito, hindi lamang sa iisang pook o sa Pilipinas lang mapapakinggan ang mga awiting nakapaloob sa list. Kundi, sa iba’t-ibang panig ng mundo. Hindi ba’t isa itong malaking pagkakataon--- at tagumpay. Batay sa ating pangmalas, pawang magaganda at maipagmamalaki ang mga awiting pinapatugtog doon.
Kapag Pinoy Indie Music ang pinag-uusapan, maraming magagandang awitin ang likha ng mga manunulat at musikero. Sa ngayon, ang tunog indie ay umaalagwa na sa industriya. Sariling sikap ang peg ng mga musikero sa eksenang Pinoy Indie’s. Pero, dahil nga sa kanilang pagsusumikap at patuloy na nagtitiwala sa Maykapal--- na sila’y magtatagumpay din sa larangang niyakap nila( at dito’y maligaya silang ginagawa ito ), May ilan na pumalaot na sa mas mataas na hagdan. Na nakapasok na sa ilang music label.
Hindi madali ang maging Indie artists. Sino ba ang tatangkilik sa iyo kung sakali? Sino ka ba, tayo para panoorin sa mga gigs, o pakinggan ng karamihan ang mga awitin? Huwag mabahala kung sa simula ay walang-wala. Walang musikero na hindi nagdaan sa wala. Lahat ay nagdaan sa umabot sa puntong dumarami na ang followers at listeners. Pero, lahat ng hirap ay nawawala kapag nagtagumpay na ang isang indie artists. Lalo na kapag nakapag-record na at mapatugtog na sa radio ang nalikhang awitin. Ang sarap sa pakiramdam nun.
May ilang awiting Indie music ang pinatutugtog sa radio at ang ilan sa mga ito ay pumukaw ng pansin ng mga listeners. Kung kaya, kahit papaano ay nakatulong ito para makilala ang kanta at ang mismong artists. Ang online radio ay isang mabisang sandalan ng mga indie artists, kung saan ay nabibigyan ng pagkakataon ang kanilang obrang kanta na mapatugtog at mapakinggan ng madla. Ang kagandahan pa rito, hindi laang dito sa ating bansa napapakinggan ang kanta.
Kundi, sa iba't-ibang panig ng mundo. Isa nga ang Filipino Indie Radio sa pinakabagong online radio na umeere na. Wala pang isang linggo ito sa sirkulasyon, marami nang natamong positibong resulta. Nagkaroon ito ng maraming listeners at nagkaroon pa ng application sa Google Store. Ilan lamang sa mga awiting mapapakinggan sa FIA Radio ay ang kanta nina Gil Sabado, Fred Engay Jr., Ramil Odias, Kris Rimorin, Dominic Domingo, YenYen, The Promdis, Jaypee Chang Zionchillers, Ramil Odias, The Broken Anthem, Jec Andy Ko, Rex and Ron, Not November, Evan Macna, Jimmy Wasabe, Noel Bernaldo On Session, Baby Elli, Arkistahing Torno, The Don Man, Obet Rivera, Jobbmen, Swing Agenda, Splendio Tritus at Blister Band.
Mabuhay po kayo...
TumugonBurahinSalamat at may kagaya ninyO
GOdbless you all..
Maraming Salamat po. God Bless us and our mnusic.
BurahinMagaganda songs sa FIA Radio. Gusto mga songs ng Zionchillers.
TumugonBurahinSana Maka gawa ako ng songs at makarecord Para maipasa sa FIA Radio.
TumugonBurahin